8

2.2K 20 0
                                    

Ngumiti ang doctor. Naningkit naman ang mata ni Yael nang ngumiti ang Doctor. Alam nang may sakit tas ngingiti? Ptangnang doctor to.

"Magiging tatay kana mister! She's 5 weeks pregnant." Masayang sabi ng doctor nang nakapagtigil sa kanilang dalawa.

Nag isip si Yael. Inisip nya kung kelan yung kanilang huli. Last 2 months pa yun dahil make out lang ang nagagawa nila nitong nakaraan.

Napatiim bagang si Yael nang marealize ang lahat. 2 months? Tas 5 weeks pregant?

Pinilit ni Yael na maging masaya sa harap ng doctor. "Yes! Magiging tatay na ako! Thankyou doc thankyou! Sige po doc mauna na kami." Inalalayan nya si Karylle patayo habang may maskarang nakangiti ang nakatabon sa muka nya.

Tumalikod sila sa doctor at hinawakan pa nya si Karylle sa baywang para mapakita sa doctor na masaya sya at di mapahiya si Karylle.

Mahal nya si Karylle kaya nasasaktan sya sa nagawa nito. Kaya nagsisi sya sa ginawang kataksilan. Yun pala, may ginawa rin itong kataksilan sakanya. Pagak na tumawa si Yael sa naisip.

Wala silang imikan. Hanggang sa makauwi sila sa bahay nila.

"Wow! May sovenier pang iniwan yung gagong lalaki na kung sino mang nambuntis sayo ah. Galing nya" sarkasmong sabi ni Yael habang naghahanap ng damit sa closet.

Tahimik lang si Karylle at pilit na pinapasok at tinatanggap sa isip ang nangyari. Kahit sya, nasaktan din. Nasasaktan sya dahil sure syang walang magiging ama ang dinadala nya. Di sya pananagutan ni Jose. Kaibigan lang sya at ginamit nya lang ito.

Nasasaktan din sya dahil nasasaktan si Yael.

"Alam mo," humarap si Yael sakanya.

"Maghiwalay nalang tayo. Let's end this. Tutal di pa naman tayo kasal. Buti nga at nalaman ko agad bago tayo nakasal eh. Ayokong matali sa isang katulad mo!" Matigas na sabi ni Yael kaya sinampal sya ni Karylle nang kaliwa't kanan.

"Sige! Kung yan ang gusto mo!" Sabi nalang ni Karylle. Pagod na syang makipag talo dito. Lagi nalang na sya yung sumusuyo. Pagod na sya. Ayaw nya na. Oo mahal nya parin pero pagod na sya.

Kinuha ni Karylle ang bag at kinuha ang mga bagay na isasama nya. Tuloy na ang desisyon.

Na aalis sya. Lalayo sya at magbabagong buhay. Palalakihin nya ang bata ng mag-isa.

"PASSENGERS, we are now here in General Santos City Airport. Thank you for riding with us. Magandang umaga."

Nagising si Karylle sa narinig. Sumilip sya sa bintana ng eroplano.

Andito na sya. She sighed.

LIMANG BUWAN nang naghahanap si Jose. Bigla nalang nawala si Karylle na parang bula. Di naman nya matanong ang mga magulang nito dahil nasa ibang bansa ang mga ito. Wala syang connections dito. Kay Yael naman, tinanong nya pero kagaya nya ay hinahanap din pala nito si Karylle.

Sa panahong nagsama sila ni Karylle, nahulog na ang loob nya rito. Oo bakla sya, pero may karapatan naman syang mag mahal ng babae. Di naman sya papayag sa gusto nito kung di nya ito mahal.

Walang araw na di nya ito hinanap. Halos nalibot nya na ang Luzon sa kakahanap sa taong mahal nya. Limang buwan na ang nakakalipas pero di parin sya sumusuko.

Humiga si Jose sa kama. Ano ba to nakakalalaki naman!

He reminisce si Jose. Napatayo sya sa naisip.

"Alam mo beh, dati nung teen pa'ko, naisip kong maglayas. Lamoyon? Kasi grabeng higpit kasi ni mama sakin eh. Ang boring ng highschool life ko. Nasa bahay lang ako, nakaharap sa libro habang yung mga classmate ko nasa swimming at gumagala. Sakal na sakal ako nun eh."

"Bait kaya ni Tita Zsa! Eh san ka naman pupunta? Sa pluto? Drama neto oh!"

"Sa GSC!"

"Nu yan?"

"General Santos City! GenSan."

"Wew! Layo beh ha."

"Oo. Kung lalayas ka, dapat sulitin na. Dapat sa malayo."

GSC. Gensan. General Santos City! Napabalikwas sya at dali daling kumuha ng ticket. Gensan, here I come.

"PRE TAMA na yan!" Saway ni Dingdong sa kaibigan.

Lasing nanaman si Yael. Araw araw nalang itong lasing.

"Tama na? Hahahaha! T-tama na! *hik* Masakit na tama na!" Parang baliw na talak nito habang hinihimas ang dibdib.

Napailing nalang si Dingdong sa inasal ng kaibigan.

Fill me (COMPLETED) (PUBLISHED) (VICERYLLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon