Kumuha naman ng towel at t-shirt si Karylle para pamalit at pamunas sa basang basa sa pawis na anak.
"Ay hmmp amoy pawis!" Natatawang sabi ni Karylle kaya natawa narin ang anak.
Tinulungan ni Karylle ang anak na hubarin ang t-shirt. Pinunasan sya ni Karylle at dinamitan.
"Late naba ako?" Napalingon si Karylle sa pinanggalingan ng boses.
"Yael? Yael!" Sabik na yumakap si Karylle sa dating fianće.
"Oh easy lang!" Natatawang sambit ni Yael.
Nahiya naman si Karylle at humiwalay na.
"Kamusta pala?"
"Okay lang naman. Pogi parin. Ikaw? Lalong gumanda ah."
"Asuuus! Bola!"
After 2 years, ngayon nya nalang uli ito nakita dahil nangibang bansa ito kaya ganun nalang ang pagkasabik nya. Pero bago ito umalis, nag usap sila at nagkaayos.
"Titoooooo!" Nagpakarga naman si John john kay Yael.
Kinarga nya ito. "Oh john john. Laki mo na ah." Masiglang tumango tango si John.
"Titooooo, yung robot ko po titooooo titooo titooooo." Nakapout at malambing na niyakap ni John john si Yael sa leeg.
Natawa nalang si Karylle sa inakto ng bata. "Yan kasi eh. Iniispoil mo yang pamangkin mo. Yan tuloy."
"Hindeee. Okay lang no para sa cute na cute kong pamangkin." Pinanggigilan nya si John john.
Bumaling si Yael sa bata, "Oh eto, tadaaaa!" Pinakita nito ang dalang malaking box na may lamang laruang robot.
"Woooww titoooo wowwww! Thank you wowww!"
Natawa nalang sila.
"OH NAKASIMANGOT ka dyan sweety?" Pansin kasi ni Karylle na kanina pa madilim ang muka ni Jose.
Umiling lang ito at kumain.
Tinapos na nila ang kinakain at umuwi na rin ang mga bisita nila. Naglinis sila ng bahay at pinatulog ang dalawang makukulit na anak nila.
"Sweety! Sweety naman eh. Pansinin mo naman ako." Nakasunod si Karylle kay Jose papasok sa kwarto nila.
Malambing na niyakap ni Karylle si Jose pero bumitiw lang si Jose at humiga sa kama.
She sighed. Ano nanaman ba ang pinuputok ng isang to?
Nagtatampo sakanya si Jose eh di naman nya alam kung bakit. Anniversary pa naman nila.
Napatayo ng tuwid si Karylle nang may naisip.
Alam ko na!
Dali daling nag shower si Karylle. Nagpahid ng kung ano ano at inisunuot ang lingerie na di nya pa talaga nagagamit. Naglipstick rin si Karylle yung lipstick na kiss proof para hindi mabura.
Tiningnan ni Karylle ang sarili sa full lenght na salamin sa banyo. Halos lumuwa ang dibdib nya sa suot at napaka-ikli nito. Napangisi sya. Ito ang gustong regalo ni Jose sakanya ngayong anniversary nila.
This is it pansit! No one can resist me.
Dahan dahan syang lumabas sa banyo. At pumwesto sa lugar kung san makikita sya ni Jose mula ulo hanggang paa.
Nakatalikod ito kaya malambing na tinawag sya ni Karylle.
"Sweety.." di parin ito lumilingon sakanya. Alam nyang di pa ito tulog kaya tinawag nya ulit. "Sweetyyy"
Lumingon sakanya si Jose at tiningnan sya pero pumikit lang uli to.
Si Karylle naman ay napaawang ang bibig nang makita ang ginawa ng binata. Di makapaniwalang di sya nito pinansin.
BINABASA MO ANG
Fill me (COMPLETED) (PUBLISHED) (VICERYLLE)
FanficWARNING: (R-18) Read at your own risk.