"So ano? Magpapakalasing ka nalang dyan? Hold your lazy ass out there at hanapin yung babaeng mahal mo! Langyang to ako pa tinawagan nung bouncer para dalhin ka sa bahay mo! Makakatikim na nanaman ako ng
kurot sa asawa ko nito eh." Naiiling na reklamo ni Dingdong dahil paniguradong kukurutin talaga sya ni Marian kung magtatagal pa sya dito."R-right! You're fcking right!"
"NAY KAON na ta!" Nay kain na tayo Aya ni Karylle sa taong kumupkop sakanya at tinuring syang anak.
"Ay sige anak! Hulat lang" teka lang binitawan nito ang hose na hawak hawak at pinatay ang gripo. Nagdidilig kasi ito ng halaman sa bakuran.
Sa siyam na buwan na nasa Gensan sya, si Nanay Remy na ang kumupkop sakanya nung maubos ang perang dala nya galing Manila.
Dahil matagal tagal narin sya doon, natutunan nya na rin ang lengguwahe nila na Bisaya.
Pumasok si Karylle sa bahay at pumunta sa kwarto ng apo ni Nanay Remy.
"MACMAC kain n--Ayyy ano yan!" Napatili si Karylle nang makita si Macmac na napupuluputan ng kurtina.
"A-ah? Hehe? Ate! Nukaba! Des es Victoria Secreeet!" Rumampa ito papunta sa kanya at eksaheradang nagpost sa harap nya.
Napangiwi si Karylle sa nakikita. Si Macmac ay 12 years old pa lamang, nag iisang apo ni Manang Remy at parang susunod sa yapak ni Vice Ganda.
"Hubarin mo na nga yan! Paplansyahin ko pa yan mamaya. Jusko kang bata ka"
"Ihh! Ate naman eh. Ang kj kj!" Ngumuso pa ito kaya kinurot sya ni Karylle sa tagiliran.
"Ayyy!" Napatili si Macmac gamit ang matinis nyang boses. Natawa nalang si Karylle.
"ANAK, KABUWANAN mo na ngayon anlaki na ng tiyan mo. Ano nang balak mo sa bata? Wala itong makikilalang ama. Luoy man." Kawawa naman
Karylle sigh. Naalala nanaman nya ang nangyari. Dalawang lalaki ang iniwan nya. Tinakasan nya.
"Papalakihin ko po ito ng mag-isa." May maliit na ngiti ang nakaplaster sa labi ni Karylle at hinimas nya ang tiyan nya.
Masaya sya dahil nabiyayaan sya ng anak. Pero malungkot din dahil wala itong makikilalang ama.
"SIR, NASA General Santos City po ang fianće niyo. Here's the exact address of the hospital at ang room nya. Kabuwanan nya na po ngayon." May ibinigay itong papel sakanya.
Isa yung private investigator na binayaran nya last month. Naisipan nyang bat di nalang mag hire ng P.I.
Akala nila di nya hinahanap si Karylle pero sa umaga, lagi nya itong hinahanap. Sa mga posibleng pupuntahan ng dalaga. Kahit saan.
Sa gabi naman, nasa bar ito at nagpapakalasing nang pansamantalang makalimutan ang sakit.
Nagsisi sya dahil di nya pinigalan si Karylle nang umalis ito. Di nya ito hinabol at sabihing mahal niya ito.
Natabunan lang ng sakit, ego at pride ang pagmamahal nya kay Karylle.
Pero ngayon, babawiin nya si Karylle. Magiging kanya uli si Karylle.
DALI DALING umakyat si Yael papuntang kwarto ng hospital kung nasan si Karylle.
Sabik na sabik syang makita ang mahal. Tatayo syang tatay ng bata kahit hindi sya ang tunay na tatay nito. Tatanggapin nya na walang kahit ano mang bahid ng galit.
Liligawan niya itong muli at mag uumpisa sila ng bagong buhay.
Huminga ng malalim si Yael bago tinulak ang pintong nakaawang.
Nanlumo si Yael sa nakikita. Kung ano yung sakit na naramdaman nya nung nakaraan, mas dumoble pa ang sakit ngayon.
A tear escaped from Yael's eyes. Alam nya kahit hindi sabihin ni Karylle, na ang kasama nya ngayon ang tatay ng batang iniluwal nya.
Pinanood nyang mabuti ang dalawang tao na nasa harap nya.
Si Karylle na nakahiga sa kama at ang lalaki na naka-upo sa gilid ng kama at may hawak hawak na sanggol.
Nagkatinginan ang dalawa. May malalaking ngiti ang nakaplaster sa mga labi nila. Puno yon ng pagmamahal. Masuyong hinalikan sa labi ng lalaki si Karylle.
Lumamig ang kamay ni Yael. Doon na nag-uunahan ang luha sa mata niya.
So I think this is the end? Wala na. Masaya na sya. Guguluhin ko pa ba? Handa akong maging tatay ng dinadala nya, mahal na mahal ko sya. Pero mukang may mahal na itong iba.
Pagak syang natawa sa naisip.
Tumalikod sya at humingang malalim. Pinapakalma ang sarili.
Bye Karylle..
BINABASA MO ANG
Fill me (COMPLETED) (PUBLISHED) (VICERYLLE)
Fiksi PenggemarWARNING: (R-18) Read at your own risk.