10

2.1K 25 0
                                    

"MGA ANAK! Bumaba na kayo dyan andito na lolo't mga tito niyo!" Sigaw ni Karylle nang makita ang mga kapatid at tatay ng asawa.

Nagmano sya sa tatay at nakipagbeso naman sa mga kapatid ng asawa.

"Kamusta po ang byahe nyo Tay?" Tanong ni Karylle habang gina-guide sila sa lamesa kung san sila kakain.

"Okay na okay nak. Buti di namin naabutan ang traffic." Tumatango tangong sabi ng Tatay.

"Karylle, san pala si utol Jose?" Tanong ni Vhong. Isa sa kapatid ni Jose. Police na ito ngayon at SPO2 ang rangko.

"Ah, nasa kusina hinahanda kung kakainin."

"Anak, ito na ang mga pinalengke namin." Sabi ni Nanay Remy. Tinulungan naman sya ni Karylle sa mga pinamili at inilagay sa kusina.

"Sige po nay. Nga pala po, asa si Macmac?" Nasan si Macmac?

"Ay tama!" Bumalik si nanay kaya sinundan sya ng dalaga at doon nakita si Macmac na kulang nalang maglaway habang kagat kagat ang hintuturo na nakatingin sa mga kapatid ng asawa nya.

"Ikaw talagang bata ka!" Piningot sya ni Nanay Remy dahil pinapairal nanaman nito ang binabaeng lahi at hinila palabas ng bahay.

"Anak! Babalik kami mamaya ha sandali lang may gagawin ako dito kay Macmac na to!" Rinig nyang sigaw ni Nanay sa labas.

Natawa nalang sya. Simula nung magkita sila ni Jose, inaya nya sila Nanay Remy na dito na manirahan sa Manila.

Malaki ang utang na loob nya sakanila kaya tinulungan nya sila at nagpatayo ng sari-sari store na para sakanila. Na ngayon ay maraming bumibili dahil natutuwa sila kay Macmac sa sobrang joker nito habang nagtitinda.

Binigyan rin sila ng bahay ni Jose at nasa tapat yun ng bahay ng mag asawa.

Bumalik sya sa kusina at nakita ang asawa. Nakatalikod at may suot na puting sando at khaki short. Sumandal sya sa mesa habang nakatingin sa likod ng asawa.

Busy'ng busy ito sa niluluto.

Ganun parin sya, may dugong berde parin pero dahil dun mas minahal pa sya ni Karylle.

Ngayon, alam na ng marami ang totoong kulay niya. Tanggap naman siya ng pamilya maliban sa Tatay nya.

Lumapit si Karylle at niyakap sya sa likod.

"Ayy!" Napatili ni Jose. Natawa nalang ang dalaga.

"Oh sweety ikaw pala" humarap sya at hinalikan su Karylle.

Mapusok nyang hinahalikan si Karylle habang naglalakbay naman ang mga kamay nya. Sa kurba nito patungo sa pang-upo nito.

Ang kamay rin ni Karylle ay naglalakbay sa dibdib ni Jose pababa sa tiyan pababa sa-- lumayo si Karylle at natawa.

"Nako sweety baka san pa to mapunta. May bisita tayo." Natatawa si Karylle habang sinasambit yun.

"Basta mamaya sweety haaaa?" Nakapout na sabi ni Jose at malambing na niyakap sa bewang ang dalaga. Tumango naman si Karylle habang nakangiti.

"Happy anniversaaarrryy" bati ni Jose sabay halik ng paulit ulit sa labi nya.

"Nakakailang bati ka na ah." Natawa sya. Sya na ang humalik kay Jose. "Happy Annivveersaaryy din sweety."

Nagkatinginan sila. "Ano gusto mong gift hmmm?" Malambing na tanong ni Karylle.

"Hmmm" kunwaring nag iisip si Jose. Lumapit pa sya lalo kay Karylle at bumulong.

"You. You wrapped in a lingerie." Bulong nito sabay lick ng earlobe ng asawa.

Nanlamig naman si Karylle dahil sa sarap at kiliting naramdaman.

Nakipagtitigan sya kay Jose, "Easy peasy!"

LUMABAS sila at nakita ang pamilya na masayang nag uusap.

"Yoyo yaro tayo barbiii!" Pilit ni Kaye sa lolo at hinila hila ang damit ng kanyang lolo.

"Oh sige sige anak. Nasan na yung barbie mo?"

"Ito po oooh." Pinakita ni Kaye ang malaking Barbie na hawak hawak.

Bunso si Kaye at si John naman ang panganay. Si Kaye, 3 years old palang kaya di pa nya masyadong ma-pronounce ng maayos ang ibang salita.

5 years old naman si John na inuto ang mga tito nya na makipaghabulan.

Sila Vhong, Jhong at Billy naman ay kanya kanya na tumatakbo ng mahina sa bakuran para maabutan sila ni John na tawang tawa habang naghahabol.

"John-john! Halikana tawagin mo na sila tito mo at kakain na tayo!" Tawag ni Karylle kay John na hinihingal sa malayo.

"Yes mommy! Tito eat na tayo gutom na po si akooo!" Masiglang tawag nito at tumakbo papunta kay Karylle.

Fill me (COMPLETED) (PUBLISHED) (VICERYLLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon