Starlet
Tinignan ko yung sarili ko salamin tumataba na talaga ako. Tumagilid ako para makita yung umbok sa tiyan ko. Hinaplos ko ito sabay ngiti ng matamis.
"Konting tiis nalang baby lalabas ka narin sa tummy ni mommy." napahalikhik naman ako habang inisip na malapit na syang lumabas sa akin mas lalo akong nae-exite.
Bumaba na ako pagkatapos kong magayos. Naabutan ko sa sala si Mommy. Tumayo naman sya pagkakita sa akin sabay yakap sa akin.
"Mommy na ang baby girl ko." ngumiti lang ako sa kanya sabay akay papuntang sasakyan.
Saglit lang naman yung check up. 4 months narin si baby at 4 months narin simula nung malaman ko na may panganay na palang anak yung tatay nya. Mahirap man kalimutan pinipilit ko parin para hindi ako mastress mas lalo na lumalaki na yung baby ko. Pagkatapos ng check up dumiretso kami sa mall para kumain. Pabalik sa bahay na abutan ko si Daddy na malalim ang iniisip sa na naka upo sa sofa.
"Dad!" tumingin sya sa akin sabay ngiti. Tumayo sya sa upuan.
"Kumusta yung check up? Ayos lang ba yung apo ko?" tumango ako kay Dad sabay pakita sa kanya nung ultrasound. Umupo ako sa may sofa at tumabi naman sa akin si Mommy.
Tumayo sa harap ko si Daddy sabay tingin kay mommy. May problema ba?
"May problema ba Dad?" bumuntong hininga muna sya bago magsalita.
"Noong umuwi ka rito ng umiiyak may pumasok na isip ko na dahilan kung bakit. Mas lalo at nalaman naming buntis ka. Alam mo naman na matatanggap ka namin diba?" tumango ako kay Dad.
That's true after ng nalaman ko. Kinabukasan rin ay nagpahatid ako sa bahay nila Daddy. Mabuti nga at nahinto ang pag-iyak ko pero namamaga parin ang mga mata ko. Hindi sila nagtanong kung anong nangyare mabuti nalang dahil hindi ko rin naman sila masasagot.
"Thank you Dad and Mom." yumakap ako sa kanilang dalawa pero napalayo rin ako dahil sa sinabi ni Daddy.
"I found him." tumitig ako sa kanya.
"Gusto kong makilala kung sino ang ama ng magiging apo namin. So I hired an imbestigator to know about him, and I found out that he is the son of Mr. Montgomery investor sa company natin." nakikinig lang ako sasabihin ni daddy. " Kinausap ko yung tatay nya about sa pagbubuntis mo. Hindi sa hindi natin kayang bigyan ng magandang buhay ang apo kundi para may buong pamilya na makagisnan ang bata."
Natulala ako sa sinabi ni Dad. Anong gusto nyang mangyare.
"Napagkasunduan namin na ipakasal kayo bago sya bumalik sa eskwela." bigla akong tumayo at hinarap sila.
"NO DAD! You searched about him right? Magkakaanak na sya sa ibang babae Dad!"
"Hindi sigurado si Caleb kung anak nya yung pinagbubuntis ni Adele." tinitigan kong mabuti si Dad.
"Okay lang sa inyo na masaktan yung anak ng kumapre nyo?" umiling sya.
"I do this because of you! Saka naliwanagan na ako. Hindi tunay na kaibigan ang ama nya. Nagnanakaw sya sa company and nalaman ko narin yung mga ginagawa sayo ni Adele."
"But! Daddy hindi parin pwedeng dahilan yon para magplano kayo ng tatay ni Caleb without thinking of its consequences."
"We think of its consequences STARLET KIERA!" nagulat ako sa pagsigaw ni Daddy. Last time na nasigawan nya ako ay nung bata pa ako nungpanahon na ang kulit kulit pa naming tatlong magkakapatid. Yumakap ako kay mommy at umiyak.
"Gusto ko man na maipakasal kayo bago pa lumabas ang apo ko, hihintayin na muna natin manganak si Adele. Isang buwan nalang naman manganganak na sya. Para malaman kung kay Caleb ba talaga ang bata." tumingin ako kay mommy.
"Mommy ayokong magpakasal kay Caleb."
"Bakit ka nagpabuntis sa kanya kung ganon?" si Dad. Naiyak ako lalo dahil galit si Daddy. "Ang sabi sa akin ni Caleb nung naka usap ko sya. Sperm lang nya ang gusto mo? Hindi kita pinalaking ganyan Starlet!"
"Watch your word Kier! It's not all her fault don't put all the blame on your daughter." umiyak nalang ako lalo sa bisig ni Mommy.
How dare he! Bakit pati iyon sinabi nya kay Dad. Wala lang ba talaga sa kanya yung napagsamahan namin sa maikling panahon. Humiwalay ako kay Mommy at napagpasyahang umakyat sa kwarto ko. Bakit sa dami ng nangyayari inaantok ako.
Nakatulog ako dahil sa pag-iyak at pagiisip. Bumangon na ako at tinignan ang oras 9pm na pala nagugutom na yung baby ko. Napatagal naman kasi yung pagtulog ko. Pumunta na ako sa kusina para maghanap ng pagkain parang gusto ko pizza yung super spicy. Habang nagtetext ako para magpadelivery ng pizza nakita kong pumasok si Dad sa kusina.
"Sorry nga pala sa nasabi ko kanina at mga desisyon ko anak. Inaalala ko lang naman yung anak mo lalaki syang walang ama. Mahirap yon anak alam mo naman kung gaano kasaya kapag kumpleto ang pamilya diba?" yumakap ako kay Daddy at umiyak.
Bakit ba hindi ko pinagisipan ng mabuti iyon. Puros kapusukan lang ba ang ginawa ko?
BINABASA MO ANG
The Good Donor (Completed)
General Fiction'All I need is your sperm cell but it turns out what I really want is your Love? ' Date started : October 25, 2016 Date finished: June 6, 2017 ( Credits to the owner all the pictures in this book ) [PG13]