TGD 2

30K 380 5
                                        


" Starlet bilisan mo ngang maglakad. Haist! Kabagal!." nagaalburoto na sabi ni Charlene.




"Bakit ba kase madaling madali ka ha?." inirapan nya lang ako.




Isang buwan na ang lumipas since nakita ko sya. Feeling ko tuloy bumabalik ako sa pagiging teenager yung mahirap makalimutan yung crush nya. Ewan ko ba bakit hindi ko makalimutan yung lalaking yun ni hindi ko nga alam yung pangalan nya eh. After kasi nung encounter namin mas naging busy na ako sa trabaho kaya wala na akong time para hanapin sya? Saka bakit ko ba siya hahanapin? . ewan





"Okay lang pala na sumama ako sa iyo dito." sabi nya sa akin sabay tili.





Pinilit ko kase si Daddy na ako nalang yung ipadala nya rito sa rancho namin para mamahala. Nag ibang bansa na kasi si Tito Zach pamilya naman raw ang aatupagin nya kaya walang mamahala ng rancho namin. Sila Reese at Lie naman busy sa mga trabaho at buhay nila sa mantalang ako kaya ko piniling mamalagi rito sa malayong lugar na ito para magkapagtago kay Kris. That fucking asshole! Babalik balik pa eh simula palang nanloko na sya.






"Okay lang sayo na malayo kay Marco?." napatingin naman sya sa akin sabay irap.





"Nag-away kami kaya bahala sya sa buhay nya." natawa naman ako sa kanya.





Buti ka pa nga may love life eh , kesa sa akin wala haha. Pero kung si Kris na manloloko rin naman yung magiging kapalaran ko di baleng maging old maid nalang ako.





"Good morning ma'am Starlet."




"Good morning nay Marina." niyakap ko naman yung mayordoma ng mansyon. Napalapit na naman ako sa kanila kasi tuwing magbabakasyon kami ditong magkakapatid parang siya na yung tumatayong magulang namin.





"Nako halina na kayo at marami akong hinandang pagkain. " sabi nya sa amin ni Charlene. Wag na kayong magtaka dahil close silang dalawa ni Charlene paano minsan ng sinama ko rito para magbakasyon na gustuhan nya yung bunsong anak ni nanay Marina.





Mabilis na yumakap si Charlene sa braso ni nanay Marina ." Nay nasan po si Frederico?."





Mabilis ko naman syang hinamapas." Hanep ang landi mo talaga." tinawanan naman nya ako.





Kung gaano kabilis si Charlene yumakap kay nanay Marina ganun rin sya kabilis umupo sa lamesa. Walang kiyemeng nilantakan nya yung mga nakahain sa hapagkainan.





" Gosh! Ang sarap sarap nyo po talaga magluto." sabi ni Charlene kahit puno pa ng pagkain yung bibig nya.






Napailing nalang ako sa kanya. Habang kumakain kami may biglang dumating galing sa likod ng bahay.





"Nay eto na po yung buko." sabi ng isang makisig na lalaki na nakahubad pa.






"OMO! nanay Marina sya na ba si Frederico?." nagulat naman ako ng mas nakilala pa ni Charlene si Frederico kesa sa akin.





Kumunot naman yung noo ni Frederico kay Charlene.





"Paumanhin , pero hindi ko po kayo kilala." mabilis tumayo si Charlene sabay hampas sa braso ni Frederico. Ka landi talaga!






"Ano ka ba naman Frederico." sabi pa Charlene habang hinimimas yung brasong na mumutok sa muscles ni Freredico. "Hindi mo na ako natatadaan? Si Charlene to yung laging kasama ni Starlet tuwing magbabakasyon sa rito." Mukha namang naguguluhan si Frederico sa mga sinasabi ni Charlene.

The Good Donor (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon