TGD 25

18K 283 6
                                    


Starlet

Binibihisan ko si Damien ng pumasok sa kwarto ko si Mommy. Kinuha nya sa akin si baby .

"Ako na ang magdadamit kay baby Damien, Mag-ayos ka na ng sarili mo." tumango ako kay Mommy sabay punta sa cr.

Pagkatapos kong maligo ay mabilis akong nagbihis ng damit dahil kanina ko pa naririnig tumatawag si Mom. Napatagal ata ako sa cr kanina.

"Mabuti naman at bumaba kana kanina pa umiiyak itong si baby Damien." bungad sa akin ni Dad habang isinasayaw si Damien. Kinuha ko naman si Damien kay dad.

Pagkakuha ko palang kay Damien ay huminto na sya sapag iyak.

"Bakit umiiyak ang baby ko? Namiss mo ba si Mommy?" hinawakan naman nya yung neckline ng damit ko sabay subsob ng ulo nya doon at kagat sa damit ko.

"Aww nagugutom ka ba baby?" kinuha naman ni Mommy yung bib ni Damien at punas sa bibig nito.

"Kakainom palang kaya ng milk ni baby." tumawa naman ako sa sinabi ni mommy. Napaghahalata na matakaw yung anak ko mana sa ama.

Pagkalabas ng bahay ay sumakay na kami sa bangka na maghahatid sa amin kung saan naroon ang sasakyan namin papuntang Amesterdam. Nauna sumakay yung body guard ni Dad sumunod ako.

"Careful" napangiti naman ako ng alalay na alalay ni Dad si Mom habang sumasakay sa bangka. Wala paring kupas ang pagmamahalan nila kahit matanda na sila. Sana ako man.

HINDI ko alam na nakatulog na pala ako buong byahe. Nagising nalang ako ng may tumatampal sa mukha ko, pagtingin ko kung sino ito ay bigla syang humagikgik ng makita akong gising.

"Ang pilyo pilyo talaga ng baby ko." Buhat buhat sya ni Mommy sabay abot sa akin. Hinalikan ko naman sya sa buong mukha nya. Hagikgik lang sya nghagikgik sa akin.

"Kumain muna tayo bago tayo pumunta sa tulip fields." pahayag ni Dad bago kunin sa akin si Damie.

Pumili kami ng restaurant na kakainan. Ang daming turista ngayon mas lalo na't may festival dito. Habang hindi pa dumadating yung order namin ay lumabas muna ako ng restaurant iniwan ko muna si Damien kila mom. May nakita kasi akong tindahan ng souvenir sa tapat nung restaurant na kakainan namin. Gusto kong bumili ang gaganda. Pumili ako ng isang wooden shoes para kay Damien. Habang tumitingin pa ako ng mabibili may nakita akong cute na couple figurine. Kahit na wala pang kasiguruhan yung lovelife ko ngayon bibilin ko na ito isipin ko nalang kami ito ni Caleb in the future.

Pagbalik na ako sa restaurant ng may mabangga ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pagbalik na ako sa restaurant ng may mabangga ako.

"Sorry." sabi ko sabay pulot sa nahulog nyang pinamili.

"Starlet?" Pagkaangat ng ulo ko ay nakita ko si Adele na gulat na gulat. Muntik ko ng mahulog yung dala ko dahil rin sa gulat ng makita ko sya.

The Good Donor (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon