TGD 7

16.8K 270 4
                                    



Starlet's Pov





Pauwi na kami at ihahatid ako ni Caleb sa mansyon. Tahimik lang kaming dalawa tanging tunog lang ng kotseng nyang kinakalawang ang naririnig namin. Ilang sandali pa nakarating na kami sa mansyon inihinto nya ito sa tapat ng hardin wala pang may gusto sa aming dalawa na bumaba.






Bakit naman kase sya bababa? Ano akala mo Starlet pagbubuksan ka nya ng pinto ? In your dreams! Bubuksan ko na sana yung pinto ng magsalita sya.





"Like what I have said earlier you can't fool me Kiera." napatingin naman ako sa kanya.





"Ano ibig sabihin mo." tinignan nya ako sabay ngisi.





"I'm willing to polinate you. You know!." nanlaki naman ang mga mata ko.





Narinig nya kami ni Charlene non?





"How? Paano mo narinig yon? Di ba umalis ka na non?." Tumingin sa harap.





"Bumalik ako. Biglang huminto yung kotse ko sa harap ng gate nyo. But hindi ko naman sinasadya na marinig yung pinaguusapan nyo." biglang naging maloko yung ngisi nya sa akin.





"HOY! JOKE LANG KAYA YON!." bigla naman syang tumawa ng malakas may pahawak hawak pa sya sa tiyan nya. Bigla naman nagvibrate yung kotse dahil sa tawa nya.





"Hoy Tama na baka masira yung kotse mo!." pero hindi parin sya humihinto kakatawa.





"Ganon ka na ba ka desperada magka-anak? Or ganon na talaga ka katanda?." sabi nya sabay ngisi.





Sinamaan ko sya ng tingin.





"Stop it okay?At saka wag kang makialam sa buhay ko pwede?." nakakainis sya kailanga pa bang sabihin yung totoo? Doesn't he know that Truth can hurts!





"Ayaw mo ba? I'm willing to be the sperm donor ." sabi nya sabay ngisi.






"SHUT UP ASSHOLE!" mabilis kong tinanggal yung seat belt sabay padabog na sinara yung pinto ng kotse nya. Gago!





Mabilis akong naglalakad papasok ng pinto ng mansyon ng marinig kong sumigaw sya.





"HEY! KIERA PAG-ISIPAN MONG MABUTI YUNG SINABI KO!." nag fuck you sign naman ako sa kanya habang nakatalikod!






Gago talaga!.





Hindi ako makatulog dahil sa sinabi nya, its almost 3 am in the morning still gising parin ako. Dahil sa sinabi nya hindi ko magawang makatulog.






Diba magka-anak naman talaga gusto ko? Why not patulan ko yung sinabi nya?. But still marami parin akong kailangan isaalang alang.





Like gusto ko ba talagang lumaki yung anak ko ng walang ama?







IN THE MORNING I remain normal na parang wala syang sinabi mabuti narin at ganoon rin sya.





"It's so hot." sabi ko sabay paypay sa sarili ko gamit ang kamay ko kahit 5 pm na ang init parin.





"Bakit kasi sumama ka pa sa akin dito sa talyer?." sabi nya habang nasa ilalim sya ng kotseng ginagawa nya.





"Boring kasi sa bahay." Actually kahit pumalit ako dito kay Tito Zach para mamahala meron parin naman nagsusurpervice sa mga tauhan dito sa rancho kaya binibisita ko nalang sila sometimes.





"Bakit hindi ka nalang bumalik sa Manila?." umalis na sya sa ilalim ng kotse. Puros langis na tuloy sya at yung damit nya. Tumayo para pumunta roon sa loob ng maliit na station dito sa talyer nya.

The Good Donor (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon