Starlet
Kinabukasan naabutan ko sila mommy at daddy na may mga dalang bag. Kasama ang mga kapatid ko. Gosh I miss them. Si Sunlie kasi ay may sariling bahay kaya doon na sya tumitira, at si Reese naman ewan ko kung saan nagsusuot mahilig kasi syang gumala. Parehas na silang may pamilya.
"LIE, REESE" nagulat naman sila dahil sa sigaw ko.
"Don't run Starlet!" sigaw sa akin ni Sunlie. Ngumiti ako sa kanya sabay bagal sa lakad ko.
"Oo na po Kuya." ngumiti sya sa akin pagkalapit ko sa kanila mabilis akong hinila ni Moonreese payakap sa kanya.
"I miss you bunso." humigpit yung yakap ko sa kanya. Gosh I miss this! Muntik na akong mabuwal ng biglang sumali sa yakap si Sunlie.
"I miss you guys." narinig ko naman humalakhak si Sunlie. Pilit naman akong humiwalay sa kanila.
"Tama na naiipit yung baby ko." ngumiti ako sa kanila. "Nasaan na nga pala asawa nyo?" nagkatinginan naman silang dalawa.
"Sabi ni Dad and Mom namimiss na raw nya yung triplets nila kaya bonding muna natin itong buong pamilya. Saka baka nasa mall rin yung asawa ko." sabi ni Reese. Tumango tango naman si Sunlie.
"Busy rin yung asawa ko." tumango ako sa kanila sabay kapit sa braso nilang dalawa. Nakakapit ako sa kaliwang braso ni Sunlie at sa kanang braso naman ni Reese.
"I miss you mga bulol." bigla namang natawa sila mom and dad.
"Hindi na kami bulol no!" natawa ako sa bilis sumagot ni Sunlie.
"Ikaw nga ang conyo mo magsalita eh." ako naman ang pinagtawanan nilang dalawa.
That was before. Bulol rin naman sila dati but nung mag high school na kami natanggal na yung pagkabulol nila at pagka conyo ko. Salamat at hindi na sila bulol dahil ang hirap kaya nilang intindihin mag salita pero ang cute nila pakinggan.
"HELLO GUYS!" napatingin naman ako sa pinto ng pumasok si Charlene.
"Don't tell me kasama?" nginisihan nya lang ako.
"Same lang naman yung pupuntahan nyo sa pupuntahan ko kaya sasabay na ako sa inyo." nagtitili pa sya. Saan kaya lakad ng baklita na ito?
Pumunta na kami sa van. Isang van lang ginamit namin dahil gusto ni Dad na iisang sasakyan lang gagamitin namin para may bonding narin habang nasa byahe. Tumabi sa akin si Cha nasa gilid ako ng bintana. Favorite spot ko kase ito sasakyan.
"Pst! Nalaman ko na yung tungkol kay Adele." umirap naman ako sa kanya. Paanong hindi nya malalaman eh wala namang makakatakas na chismis sa kanya.
"Oh ano naman masasabi mo?" Tanong ko sa kanya.
Alam ko kaseng galit yan kay Adele hindi lang dahil sa ginawa nya sa akin nung mga bata pa kami kundi dahil naging crush rin sya ni Adele. Two blocks away lang kasi yung bahay nila Charlene sa amin, kaya madalas syang nasa amin. Naalala ko nga noon grade 5 ata kami non noong lalaki pa yung ayos nya. At ang name nya before bago pa sya magpapalit ng panagalan ay Timothy lalaking lalaki diba? Kaya kayo malay nyo yung crush nyo bakla kahit lalaking lalaki pa ang itsura. Looks can be deceiving ika nga.
Crush na crush sya ni Adele non. Ewan ko kung naging crush nya ba si Cha dahil close kaming dalawa or dahil gusto nya dalaga si Cha or timothy dati.
"Malandi talaga nayon. Kapag iyon nakita ko sasabutan ko talaga iyon at kakalmutin ko ang feyslak nya!" he explaimed. Natatawa ako sa itsura nya namumula na sya sa inis.
"Huwag ka ng magalit baka magka rinkles ka nyan sige ka." tumawa naman sya sa akin sabay hug.
"Nagulat naman kase ako sayo ng magaya ka ng bumalik sa Manila non. Natakot kaya ako akala ko kung ano ng nangyare ayaw mo naman magsalita."
"Huwag na nating pag-usapan iyon okay? Ayokong ma-stress kami ni Baby." Bigla naman nyang nilagay yung kamay nya sa tummy ko.
"Ayy oo nga pala sorry. By the way always remember nandito lang ako sa tabi mo okay?" tumango ako sa kanya." Gosh Excited na akong lumabas yng baby mo sana girl sya ng matuturuan ko na agad syang mag make up." pinalo ko naman agad sya sa braso.
"Pagpapraktisan mo lang ata yung anak ko ng mga make up mo eh."tinawanan nya lang ako sabay yakap ulit sa akin.
Mabuti nalang kahit wala akong naging bestfriend na girl atleast meron akong true friend sa katauhan ng isang sirena.
NAGISING ako ng pakiramdam ko na may bumubuhat sa akin.
"Ang bigat mo na pala Kiera." bigla kong minulat yung mga mata ko ng marinig ko kung sinong nagsalita.
"Bakit ka nandito?" nagulat naman sya ng bigla akong nagsalita.
"Uhh" gusto ko sanang bumama mula sa buhat nya pero hindi ko magawa dahil ang higpit ng kapit nya sa akin. "Beach resort namin ito."
Napalunok ako. Sumilip ako mula sa likod nya habang buhat nya ako papunta ata sa cottage. May naalala ako sa dalampasigan. Naalala ko yung nakaraan namin. Hindi rin nag tagal binaba na nya ako sa porch ng cottage namin. Ang ganda.
"Bakit kami nandito sa beach resort nyo?"
"I don't know. Tumawag lang sa akin si Tito Caleb na papunta kayo rito kaya hinanda ko na yung titirahan nyo." Hindi ba nasa amin lang sya kagabi?
"Gising ka na pala Starlet." napatingin ako kay mommy na lumabas mula sa cottage namin. "Halikana sa kubo kakain na tayo ng tanghalian."
Tumango ako kay mommy sabay tayo at sunod sa kanya. Hindi pa man kami kakalayo lumingon ako sa likuran ko ng hindi sya sumunod. Nakita ko syang naglalakad palayo. Akala ko kaya nandito dahil nandito kami?
Pagkadating namin sa kubo nakahain na yung maraming pagkain. Nagsimula na kaming kumain ng napansin ko na wala si Cha.
"Mom nasan po si Cha?"
"Binaba namin doon sa katabing resort. Hinihintay nung boyfriend nya." napangiwi naman ako. Nako iisahan na naman nya yung boyfriend nya.
"Bilisan nyong kumain at may gagawin tayo mamaya."sabi ni Daddy sabay akbay kay Mommy tapos na pala silang kumain.
Bigla ko namang binilisan yung pagkain ko dahil sa sinabi ni Dad. Pagkatapos namin kumain nagpahinga lang ng saglit. Pagkatapos ay nag island hopping na kami. Sa pangatlong isla na ako naligo nakahiga ako sa dalampasigan ng may tumabi sa akin.
"Mainit baka mapano kayo ni Baby." minulat ko yung mata ko sabay tingin kay Caleb.
"Hindi naman ganon kainit eh.Saka bakit nandito ka? Hindi ka naman namin kasama kanina sa bangka ah?" umupo ako at sya namang paghiga nya at unan sa hita ko.
"Nag jet ski ako papunta rito. Nagalala ako sa inyo ni baby." hindi ko mapigilang kiligin.
"Edi sana sumama ka nalang sa amin kanina."
"May inaasikaso ako kanina." tumingala sya sa akin sabay haplos sa pisngi ko.
"I miss you damn much Kiera." hinawakan nya yung batok para mapalapit sa mukha nya.
"Caleb" bulong ko.
"How I wish na malaman na yung result." naguguluhan naman ako sa sinabi nya.
Mas nilapit nya pa yung mukha ko haggang sa maglapat na yung labi naming dalawa. I miss his soft lips. I miss our kiss. I miss this.
Lumalalim ang paghalik nya sa akin ng biglang mag-ring yung cellphone nya. Humiwalay naman sya sa akin sabay kuha nung cellphone nya sa bulsa nya. Naiinis pa sya habang kinukuha ito pero ng makita nya yung tumatawag bigla syang nagseryoso.
"Hello?"
"What? Fuck Papunta na ako dyan." bigla naman syang tumayo muntik pa nga syang mabuwal sa pagmamadali.
"Saan ka pupunta?"
"Manganganak na si Adele."
Hindi ko magawang makagalaw sa kinakatayuan ko. Habang tinitignan sya na papalayo. Nakaramdam ako ng takot.Talaga bang nakaramdam ka na ng kasiyahan may kapalit na sakit?
[A/n
Last 4 chapters including the epilogue.]
BINABASA MO ANG
The Good Donor (Completed)
Ficción General'All I need is your sperm cell but it turns out what I really want is your Love? ' Date started : October 25, 2016 Date finished: June 6, 2017 ( Credits to the owner all the pictures in this book ) [PG13]