CHAPTER ONE
NANGINGITING lumagok ng kape si Twinkle habang palihim na pinag-aaralan ang kapatid na si Jane sa sulok ng kanyang mga mata. Nakanganga kasi ito habang natutulog sa racking chair na kinauupuan nito. Gutom na rin tiyak ito mula sa pinagtatrabahuang pabrika ng mga chichirya sa Novaliches. Pang-gabi din ito ngayon kagaya niya.
Isang traysikel ang nagdaan sa harap ng bakuran ng kanilang bahay. Saglit na sinundan niya ito ng tanaw. Nang hindi iyon huminto, itinanong niya sa kanyang sarili kung bakit tila natagalan sa pamamalengke ang kanilang ina. Hindi bale sana kung naiwan sa bahay ang kanilang katulong na si Inday Rosario para may makapaghanda man lang sa kanila ng agahan. Pero day-off nito sa araw na iyon kaya wala ito sa bahay. Pagod kasi siya mula sa trabaho dahil sa night shift na naman siya sa kanyang pinagtatrabahuan call center sa Ortigas.
Pareho kasi sila ni Jane na tinatamad magluto kaya nagkasya na lang siyang magkape kesa magluto. Kaya pa naman niyang hintayin ang kanilang inang si Aling Jucille na siya pang maghahanda ng kanilang agahan pagdating nito mula sa palengke.
Simula kasi ng mag-asawa ang kanilang Kuya Bernard ay bumukod na ito sa kanila at sa Canlubang na ito nanirahan dahil nandun din ang trabaho nito sa isang pabrika doon bilang supervisor.
Pagtingin niyang muli kay Jane ay gising na ito. Tumayo ito at lumapit sa kanya. Kinuha ang mug ng kape niya at nakiinom.
“Wala pa ba si Nanay, ate?” nakakunot-noong tanong nito sa kanya.
“Wala pa nga eh. Ewan ko kung saan naman ‘yun sumabit. Baka nakipagtsismisan na naman iyon sa palengke,” sagot niya dito at binawi ang mug ng kape niya at lumagok mula doon.
“Gutom na gutom na kasi ako,” maktol nito sa kanya.
Tumayo siya at tinungo ang kusina. Binuksan ang refrigerator at naghahanap ng pwedeng maluto. Naawa na kasi siya sa kanyang kapatid na nagugutom na, kaya kahit pagod ay ipagluluto na lang niya ito. Mula doon ay naglabas siya ng dalawang itlog. Kapagkuwa’y binuksan ang cabinet at naglabas din ng tatlong tuyo na kung tawagin niya ay haul-haul. At niluto niya ang mga iyon. Pagkatapos ay nagsangag siya ng tirang pagkain nila kagabi bago siya pumasok sa trabaho.
Nangingislap ang mga mata ni Jane ng makita siyang may bitbit ng pagkain sa tray. Agad itong naupo sa upuan sa komedor nila ng mailapag niya doon ang pagkain.
Natatawa siyang nakamasid dito habang kumakain ito. Parang hindi ito nakakain ng ilang araw sa bilis ng pagkain nito. Hindi na yata nito nginunguya ang pagkain nito sa bibig kaya nilagyan na lang niya ng tubig ang baso nito kung sakaling mabilaukan ito sa pagkain.
Mayamaya’y tumayo ito.
“Ate salamat talaga! Gutom na gutom na talaga ako kanina,” anang nito habang nginunguya pa nito ang tirang pagkain sa bibig.
Ngiti lang ang iginanti niya dito.
“Ikaw na lang bahalang magligpit niyan ate ha? Mauna na akong magpahinga dahil sa may meeting pa kami mamayang alas-singko,” anang nito na tinungo na agad ang silid nito.
Napailing na siyang naiwan doon na ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Biente singko na kasi si Jane pero kung umasta ito parang nasa highschool pa. Hindi pa nga ito nagkaboyfriend dahil sa may pagkaboyish ito. Takot ang mga lalaki nito sa lugar nila dahil sa hindi ito umuurong sa suntukan. Pero ang alam niya hindi ito tomboy dahil sa minsan ay inamin nito sa kanya na may crush ito sa kapitbahay nilang si Junie Boy. Kaya nga lang hindi type ng huli ang kapatid niya dahil sa boyish nga ito.
BINABASA MO ANG
Ikaw Lang
RomanceThis is my second story sa PHR. August yata siya narelease. Bali inspirasyon ko nito si Twinkle na kaibigan ko at ang crush niyang accountant namin. Natawa pa ako dito kasi pinarevise sa akin ng dalawang beses ang dedication page kasi masyado dawng...