CHAPTER TWO

41 1 0
                                    

Caileen's POV

*Kinabukasan*

Nasa mall kami ngayon katatapos lang kasi ng hell week namin at heto kami ngayon nagrerelax para naman hindi kami mabaliw kaaaral. Pumasok kami sa Department Store at namili ng mga pants, tshirts, rubber shoes, mask...etc. Naramdaman ko ang pagvibrte ng phone ko kaya tiningnan ko muna kung sakin ba yun.

"Excuse me lang guys ha." Tumango naman sila bilang tugon.



From:Unknown

Musta ka na CAILEEN at ang ang mga kaibigan mo. Masaya ba ang window shopping nyo. Enjoy nyo na habang may free time pa kayo. Dahil malapit nyo na kaming makilala.


Unti-unti akong kinabahan sa natanggap kong text messege mula sa diko kilalang tao. Nagtataka tuloy ako. Bakit alam nya ang number ko at bakit alam nya kung nasan kami. Nakaramdam tuloy ako ng konting kaba. Di nagtagal may natanggap na naman akong text messege mula sa diko kilalang tao.


From: Unknown

Don't worry mabait naman kami at di kami masamang tao. Humahanga lang talaga kami sa inyo.




Biglang may kung anong pumasok sa isip ko matapos mabasa ang ikalawang text messege. MABAIT ito din yung description sa personality nung naghahanap samin ah. May posibilidad kayang iisang grupo lang ang nasa likod ng lahat ng ito. Nabalik ako sa dating huwisyo ng may kumulbit sakin.

"Uy girl kanina ka pa namin tinatawag, pero tulala ka lang sa phone mo, may problema ba?" -Star


"Oo nga at bigla-bigla ka na lang nagbago ng mood." -Joice


"Ah wala ano kasi ahm may nakalimutan kasi akong bilhin sa grocery, pede nyo ba akong samahan? Pagsisinungaling ko.


"Sige tara bibili na din ako ng ingredients sa Cafe." -Janine


Nagpunta kami sa supermarket para bumili ng ingredients na kailangan ni Janine at kumuha na lang ako ng meat at beef na kunwari ay pinabibili sakin ni mommy. Matapos naming mamili dumiretso muna kami sa Starbucks para magpahinga. Umupo kami sa may bandang wall glass.



Sa di kalayuan natanaw ko ang grupo ng mga lalaki nuon na naghahanap samin sa university. Kaya naman sinabihan ko ang mga kaibigan ko na mag mask at sumunod naman sila. Pero hindi pa rin talaga kami nagtagumpay at nakita nila kami.




"Hi girls." Sa pagkakatanda ko sya yung Kervin.

"Hi din" Tugon naman ni Janine na para bang may spark sa pagitan ng dalwa.

"Hi! You're Caileen right if I'm not mistaken??" Panigurado ko ito yung Alfonso.

"No I'm not Caileen and I don't even know her" Sagot ko.

"Oww so you are really a amazon girl, Huh?" Dagdag pa ni Alfonso.

"So, why are you asking my name if you already know me? Like Duh?". Sarkastiko kong sagot.

"Girls tara na, it's getting late already" Pagaayaya ko at sumunod naman sila sakin.

Dumiretso na kami ng parking lot hindi na ako sumabay sa kanila sa kotse kasi dala ko naman yung kotse ko. Sa totoo lang maaga pa ayoko lang talaga sila makita. Nagtext na lang ako sa mga kaibigan ko na may dadaanan lang ako at wag na nila akong hintayin.

Dumiretso ako sa tambayan ko at dito muna nagpalinga-linga. Maganda ang lugar na ito, tahimik at kitang-kita mo ang buong lugar. Sa di kalayuan may nakita akong paparating na isang pulang kotse. Bumaba dito ang isang lalake na diko maaninag ang mukha dahil na din sa madilim ang lugar na ito.

Unti-unti naman akong kinabahan nang mapagtanto na papalapit sya sa kinatatayuan ko.


"Hi miss dito ka din natam------" Natigilan kami sa isa't isa nang mapagtanto kung sino ang nasa harapan namin.





"Caileen"




"Alfonso"




"Tingnan mo nga naman ang liit ng mundo, pinagtatagpo talaga tayo" -Alfonso





"Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako ha? Umamin ka nga? Ano ba?" -Ako





"FYI hindi po kita sinusundan nagkataon lang na pareho tayo ng tinatambayan" -Alfonso





Napahiya naman ako dun akala ko talaga sinusundan nya ako hanggang dito yun pala dito din ang tambayan nya. Kaya nanatiling tahimik na lang ako.


"Bat ka nga pala nandito?" Tanong ko sa kanya.





"Dito ako natambay pag may problema ako" Sagot nya.






"So, sa tingin ko may problema ka kaya nandito ka ngayon?Ano ba yun makikinig ako" Sagot ko.





"Nag-away na naman kasi sina mommy at daddy, diko na kinaya kaya nagpunta muna ako dito. Diko nga alam kung bakit sinasabi ng karamihang tao na perpekto kami na nasa amin na ang lahat di nila alam na may mga kahinaan din naman kami at may mga problema na dinadala" Sagot nya.





"Sige na gabi na oh, umuwi ka na delikado sa daan lalo't solo ka lang sa byahe, sige na uwi na tayo lalalim na din  ang gabi." Pag aayaya nya sakin.




"Sige salamat nga pala."



"Dapat nga ako ang magpasalamat sayo kasi nandyan ka at pinakinggan mo ang problema ko" Sagot nya




"Wala yon, basta pag kailangan mo ng masasandalan pag may problema nandito lang ako" Sagot ko.





"Sige. Nice meeting you nga pala Caileen." -Alfonso



"Nice meeting you too Alfonso" -Me




Dun na natapos ang kwentuhan namin at dumiretso na ako sa bahay namin bumungad agad sakin ang nag-aalalang muka ni Ana.




"Saang lupalop ka ba ng mundo nagsuot kanina pa kami tumatawag sayo dika nasagot.". -Ana





"Sorry na lowbat ako eh. Eto na ako oh nakauwi na sorry na" -Me




"Sige na matulog na tayo mukang pagod ka na din naman" -Aissa



"Bye Goodnight" -Me




Dumiretso agad ako sa kwarto ko at chinarge ang phone ko at nagshower. Bumalik ako sa kama at kinuha yung loptop ko lara magsurf sa Facebook lowbat ang phone ko eh kaya sa loptop na lang muna. May nagmessege sakin. Ganun na lang ang gulat ko ng makita ng pangalan ni Alfonso. So, sya pala yung nagmemessege sakin nitong mga nakaraang araw. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko matapos makita iyong messege nya sakin.




From: Alfonso

Thank you nga pala kanina. Goodnight Sweetdreams...


*lub*dub*lub*dub*lub*dub*lub*


Parang nagkakarera ang puso ko ng diko maintindihan kung bakit siguro dahil na din sa pagod at dala na din ng stress kaya naman. Ipinagsawalang bahala ko na lang yun at unti-unti na ding bumibigat ang talukap ng aking mata....










Everything Went Black












A/N:

PLEASE SUPPRORT THIS STORY, READERS

VOTE, COMMENT

JUST COMMENT IF YOU HAVE ANY SUGGESTIONS.


THANK YOU



HUGS AND KISSES....MWUAH!

The Love Couples (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon