Chapter 6

1.1K 34 15
                                    

Sorry, sobrang late ng UD :( Sobrang busy eh.

Chapter 6

The way Kai hugged me, I felt like I was in mom’s arms. I felt secured. So, Kai.. Who are you to me? Plus, why Luhan looked me that way? What is he trying to imply?

It all happened yesterday, pero bakit kahit kaliit-liitang pangyayari sa scene na yon eh naaalala ko pa? Does it have something to do with my mission? Yung pag ilaw ng necklace ko, anong ibig sabihin non?

I was sent off of my reverie when Finella snapped.

“Hey, lutang ka na naman. Don’t drown yourself too much sa nangyari.” She said. I frowned. Paano ba namang di ko maiisip yun eh it seemed surreal! Of all the people na pwedeng sumagip sakin bakit si Kai. Ugh! Coincidence lang siguro.

“Pero, ih Franj, yung totoo? Parang kasing scripted ang buhay mo. Look, parang scene sa movie, two hot guys in the campus were like into you? Hihihi. Can’t wait for the succeeding plot of your story.” Sabat ni Cheyenne.

“Heh! Ano ‘to? Wattpad?” Tanong naman ni Erin.

I was about to talk pero dumating yung professor namin. Economics ang subject namin. Aw! Oo nga pala, kaklase ko si Luhan!

30 minutes na mula nung nagdiscuss ang prof namin nung dumating siya. As usual, nakuha na naman niya yung atensyon namin, natahimik kaming lahat pati yung Professor namin. Ewan ko, pero kinabahan ako bigla nung nakita ko siyang pumasok. Lalo na nung nagtama yung paningin namin. Sana lamunin nako ng lupa, feeling ko kase may mabigat akong kasalanang ginawa sa kanya.

Bakit ang weird ng feelings ko?

Napatingin ako sa vacant chair sa tabi ko, dito siya uupo. Umayos ka, Franj. Hingang malalim.

Pero, taliwas sa inakala ko, hindi siya umupo sa tabi ko. Instead, he made his way out of the room after throwing me a glance.

Tiningnan lahat ako ng mga kaklase ko nung nakalabas na siya. Yes, silang lahat e nasaksihan yung nangyari kahapon pati yung pagtatapat ni Mark.

Oo nga pala, si Mark. Asan yun?

Hayyy ewan.

Lutang ako sa buong period, bakit ba? Kainis! Gusto kong matapos na ‘to kasi napaka-unproductive ko ngayong araw. Hang-over pa sa nangyari kahapon.

“Okay class, see you next meeting.” Our professor waved.

Nagsitayuan na mga classmates ko, readying for the next subject. Pati sina Erin, Cheyenne at Finella, I remained sitting with my hand rested on my chin.

“Huy, ateng pretty. Tara na?” Yaya ni Fins.

365 Days with EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon