Hi K-La. ♥
--
“Yan. Yan si Baekhyun, yung kasama niya, si Chanyeol yan. Alam mo ba dati, sila yung pinakamakulit sa kanilang lahat, best friend yang mga yan. Tas yun oh si Suho.” Ngumuso siya sabay turo dun sa petite na lalaking sobrang gwapo. “Yun si ..uhm.. you know, si Sehun then there, si Kai. Wait, ayun si Dyo yung may hawak na pagkain.” Pinakita samin ni Erin yung EXO-K members, nandito kami ngayon sa harap ng XOXO Room, not really infront siguro 20 meters ang layo namin sa pintuan niyon. Kung yung BWCW yung headquarters ng EXO-M, eto naman sa K.
“Tara sa BWCW, yung M naman.” Sabi ni Finella. Buti nalang at vacant naming apat kaya free kaming maggala. Patago kaming nagpunta sa BWCW room.
“Okay, that’s Luhan, Franj’s uhm.. kissing partner?” Erin grinned. Hinampas ko siya. Okay sadista e. “Yun si Tao, magaling mag-wushu yan!”
“Hala! Layo pa tayo, baka ma-wushu tayo pag naispotan nila tayo.” Sabi ni Cheyenne.
“Tapos yung lalaking nakasandal dun, yun si Kris. Tapos ayun, si Chen. Yung maliit na yun, si Xiumin. Tas yung naggitara, si Lay yon.”
“Dami naman nila! Dapat may name tag sila!” Reklamo ni Finella.
“They used to wear their names, I mean, kapag nagpperform sila yung mga costumes nila may nakalagay na name nila sa likod.” Paliwanag ni Erin.
“It would be better kung magkakabati na sila ‘no? Para nobody will get scared of them. Ang ggwapo pa naman nila. Sayang.” Sabi ni Cheyenne.
“Yeah. But it’ll take time para maayos ang lahat. Wait anong oras na?” Asked Erin.
“11 na.” sagot ko naman.
“Oh, may meeting kami. Alis na ko ah? Text niyo ko kung san kayo ah? Dun nalang din ako magllunch” bineso kami ni Erin saka na siya umalis. Then we headed to the cafeteria, maglalunch naman na.
We have ordered our foods.
“What’s with Erin and Sehun?” out of nowhere, Cheyenne asked.
“Nagtataguan sila, Cheyenne.” Sabi ko naman, habang ngununguya yung pagkain ko.
“Hah?”
“Taguan ng feelings. You see, mutual yung feelings nila e. But I think may barrier sa kanilang dalawa. Alam niya yung salitang ‘di pwede?’ yun, parang yun yung nakaharang sakanilang dalawa.” Paliwanag ko naman.
“You know, may pagkamysterious yang bestfriend mo, Franj.” Komento ni Finella. I shrugged.
BINABASA MO ANG
365 Days with EXO
Fantasi365 days isn't enough for loving someone who brought the biggest change in your life. Would you give it up all for him just to spend forever with him?