Chapter 22

646 10 2
                                    

Chapter 22 [Taking chances]

“Nagugutom ka na ba Franj?” Tanong sakin ni Tita, mom ni Finella.

“Busog pa ako tita, kain ka na po.”

“Okay lang ako, hintayin ko na yung dad ni Finella.” Ang sweet naman ng parents ni Fins, kaya pala napaka-sweet din ni Fins. How would it feel to have such family? I grew up having a cursed stepfather; I didn’t know who my dad is.

Napatingin kaming dalawa ni Tita nung may biglang may kumatok. Binuksan ni tita yung pinto then we saw Finella.

“Hi Franj!” She is beaming whilst putting the bouquet on the side table, “Kumusta?”

“Lumpo na ko.” Natatawa kong sagot sa kanya. But I was shocked when Kris, entered the room. “Kris?”

“Kumusta ka?” It’s the first time for me to see Kris smiling like this, bakit sila magkasama ni Finella? Don’t tell me nagtanan sila? Oh noes. Sa pagkakaalam ko di naman nagpapansinan si Fins at Kris sa school eh. Paano nangyari to?

“Paki-explain…” I told them, natawa nalang si tita sa tanong ko tapos ay nagpaalam siya since kasama ko naman sina Fins.

Finella and Kris told me everything, si Kris pala itong may pagkastalker kay Finella e, but Fins is too dense para mapansin niya itong si Kris. Di naman kasi ganun kaeffort si Kris sa pagpapansin, sabi nga niya, he is doing it in a cool way. Ako pa itong kinikilig nung malaman ko yung story nila sa isang exhibit!

“Kris, kayo na ba?” Tanong ko sa kanya, well, Kris is getting friendly here. Ngayon ko lang siya nakausap ng ganito, yung di siya nagsusungit.

“Hindi!” Finella said.

“Not yet,” Kris pinched Finella’s nose, having a new lovey-dovey here.

“Yung totoo? Si Kris ba itong napulot mo sa park?” Naninibago ako, hindi si Kris ang tipong magiging sweet sa harap ng ibang tao, hindi rin siya yung tipo na makikipagbiruan sayo. Maybe love has the power to change everything, I guess?

“Di ko nga alam, baka clone lang ni Kris?”

 

“Two versus one huh?” Natatawang sabi ni Kris. Binelatan lang siya ni Finella.

“Alam mo Franj, napakasungit nitong lalaki ‘to! Siya na nga nakikitulog sa baha—“

 

“WHAT? SA IISANG BUBONG KAYO NATUTULOG?”

 

“Yes, we are starting to build a family. We already made my junior.” Sa sinabing iyon ni Kris, sinikuhan siya ni Finella.

365 Days with EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon