Chapter 34 [Aikee]
"That's not Luhan," I said shaking my head.
"Siya yun Franj bago ka dumating. He's now back at being a yobbo." Erin notes. Dito nila ako dinala sa Xroom para mahimasmasan. What happened earlier was a total gust. Di ko akalaing gagawin sakin iyon ni Luhan. I told my friends not to tell Kai about the incident. Ayokong mag-away sila ulit kahit sabihin. I'm here to make them allies again not to make them wrangle terribly.
"No, hindi siya yun. Erin kailangan kong ibalik si Luhan sa dati!" Sabi ko. Tumayo si Kris sa kinauupuan niya. Kanina pa siya tahimik sa isang sulok.
"Huwag Franj. Hayaan mo siyang ganun. Malaki na siya, alam na niya ang mga ginagawa niya." Sabi niya saakin.
"No, Kris. It's my fault."
"Osige Franj, if you wanted Luhan to get back at being a good one, paano si Kai?" tanong ni Ember which made me soundless. Ang hirap ng ganitong sitwasyon, Feeling ko kasi kargo ko si Luhan pero pinipigilan ako ng pagmamahal ko kay Kai. Hindi naman mahirap magdesisyon kung papapiliin ako. Isa si Kai sa mga priorities ko pero si Luhan, siguro dahil nag-aalala lang ako sa kanya kaya ako ganito ngayon.
"Let her be." Sabi ni Baekhyun na maangas na pumasok sa XOXO room kasama si Jezreen. "Gusto mong umayos si Luhan? Sige Franj. Mas maganda 'yon."
"BALIW KA NA BA, BAEKHYUN? Magkakagulo lalo. Papaayos na tayo e, baka sa isang desisyon ni Franj, magkakakandaleche na naman tayo." Sabi Chanyeol.
Patuloy lang sila sa pagtatalo habang ako naman ay abala sa pag-iisip ng tamang gawin. Pero walang konklusyon ang nabubuo sa isip ko. Paano ko mapapaamo ulit si Luhan ng hindi magkakagulo? Paano ko papatigilin si Luhan?
I was cut off on my reverie when my phone rings. Si Ate Tesang, tumatawag.
"Hello po?"
"Franj, nasaan ka? Kasama mo ba si Aikee?" Tanong niya nag-aalalang boses.
"Nasa school po ako, hindi ko kasama si Aikee. Ate Tesang, wala ba siya sa school niya?"
"Wala siya. Eto nga't susunduin ko sana pero sabi ng teacher niya, tumakbo si Aikee may dala daw siyang bulaklak." Ha, may dalang bulaklak? May nililigawan na ba si aikee? Eh, ang bata pa niya ah?
"San naman kaya siya pupunta? Ate Tesang baka mapano iyon." Pag-aalala ko.
"Oo nga, papatulong sana akong maghanap sayo. May pasok ka ba? Nag-aalala na nga ako baka atakihin iyon."
Nagising ang diwa ko nung naalala kong may sakit nga pala si Aikee at hindi siya pwedeng ma-expose sa maraming tao. Pero hindi ako pwedeng lumabas kasi may pasok pa ako at may major quiz kami.
"Sige Franj, baka nagpunta lang iyon sa kalaro niya. Tawagan nalang kita."
"Osige ate Tesang, balitaan mo ako agad ah?"
Lumabas kami nina Erin, Finella at Cheyenne upang pumasok sa period na 'to. Mag-qquiz kami at pamihadang mahirap iyon. Pero sa awa naman ng diyos, nakuha ko naman.
Maya maya ay nakatanggap ako ng tawag kay Ate Tesang ulit.
"Hello, Franj?" Humahagulhol si Ate Tesang kaya't kinabahan ako.
"Anong nangyari ate? Nakita mo na ba si Aikee."
"Franj hindi ko siya maktia, wala siya sa mga kapitbahay. Franj tulungan mo na akong---"
Mabilis akong tumakbo papalabas, pero napahinto ako nung tinanong nina Erin kung saan ako pupunta. Siguro mas maiigi kung papatulong na rin ako sakanilang mag-hanap.
BINABASA MO ANG
365 Days with EXO
Fantastik365 days isn't enough for loving someone who brought the biggest change in your life. Would you give it up all for him just to spend forever with him?