Chapter 19

779 17 13
                                    

Chapter 19 [STRIP] ~

Franj’s POV

Kai’s always been with me since that day, he only goes home kapag nandyan na si Erin, which is exactly pag gabi, bali tuwing may araw, si Kai ang kasama ko. Awkward man para sakin ang makasama si Kai pero he did his best for me to feel cool on our situation. Kai is good; he is making sure for my safety. He is delicate when it comes to my foot, para ngang sa paa ko lang siya nagccare eh.

He wants me to play the game, kaya sumunod ako sa gusto niyang ‘No walking for Frangeline’ policy. Kaya ang lagay, naburo ako sa loob ng bahay for two days, b-in-aby ako masyado!

Pumasok ako mismong School fest na, nauna nang pumasok si Erin, kaya’t sina Raihana at Xiumin ang nagmagandang loob na sunduin ako, nakakahiya naman, naabala ko pa sila eh okay naman na ako. Minsan nalilito ako kung magbestfriend lang sila o levelled up na? Di kasi mapaghiwalay butchi nila eh.

“Sigurado kang okay na paa mo ah?” Tanong ni Raihana sakin nung makadating kami sa school.

Tinanguan ko siya, ginala ko yung paningin ko sa school and I was amazed kasi makulay ang paligid at natuwa pa ako kase ang daming booths! Plus the rides! OMG this school fest will gonna be exciting!

Sa paglalakad namin, nakasalubong namin sina Cheyenne, Ember at Finella. Kinawayan nila kami.

“Di ka sasama sa motorcade?” Tanong ni Cheyenne sakin.

“Hindi na siguro.”

“Bakit naman? May kotse naman eh, yung pick-up naman nina Baekhyun yung gagamitin ng volleyball girls. Sama ka na para may visual tayo!”

“Oo nga Franj, hahayaan mo na namang yung KC nayun yung magfeeling don?” Puna ni Ember. Si Kyle at yung KC na sinasabi ni Ember ay iisa lang, Kyle Clarisse kasi yung whole name nun.

“Let it go, girls. Hayaan niyo na.” sabi ko sakanila.

“Ya, hayaan niyo nalang si KC dun, kanya ang motorcade pero kay Franj ang court.” Sabi ni Finella saka nag-appear ang apat kasama si Raihana, si Xiumin ay tumatawa lang. Di talaga palasalita ‘tong lalaking ‘to.

Tinreat  kami ni Xiumin ng siopao sa food booth na ‘SIO-time’ ang pangalan, binilhan niya din kami ng fruit shake  bago kami dumeretso sa gymnasium, tig-isa kami tapos dalawa naman yung kanya. Kaya nga tumataba siya eh, pero cute naman talaga si Xiumin eh.

“May kukunin lang ako sa B-Room.” Paalam samin ni Xiumin

“Nasaan pala si Jhen?” tanong ko sa kanila nung makaalis na si Xiumin.

“Sumama siya sa motorcade, siya yung visual.” Sabi ni Cheyenne.

“Di nga?!” Si Jhen? Visual siya? As in, nagmake-up siya???

365 Days with EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon