Chapter 2

2.8K 28 0
                                    

Sapphire POV

(Five years after)

Nandito ako ngayon sa HQ. kasalukuyan naming pinapanuod ang training ng mga agent, katabi ko si Freezale, na tulad ko tutok din ang atensyon sa mga agent.

"Ikaw na ang susunod." as usual walang emosyon si Freezale ng banggitin nya ang mga katagang yun sakin.

Nilagyan namin ng twist ang training ngayon mas mahirap kumpara sa regular naming training.

"Sigurado ka bang kaya ni Ycz na iligtas ka?." -Trigger

Ohh andito rin pala ang isang yan, hindi ko namalayan.=_=

"Minamaliit mo ba ang kakayahan nya?." -me

"Tumigil na kayong dalawa. Sapphire get ready. Trigger, Excl sunduin nyo si Ycz." -Freezale

"Saglit, iabot nyo to kay Ycz, yan ang clue para hindi ako sumabog sa loob ng tube at hindi magkalasuglasog ang katawan ko."

Iniabot ko sa kanila ang papel na may nakasulat na code kelangan ma-i-decode ni Ycz yun bago ako maging pananghalian ng mga pating.

Kinadena na ng junior agent ang mga kamay at paa ko nilagyan din nila iyon ng lock, kakaiba ang lock na ito dahil may timer ito hindi ordinaryong timer dahil isa itong bomba.

Matapos nilang gawin iyon ay ipinasok na nila ako loob ng tube at unti unting nilubog sa aquarium na may mga pating.

Hindi biro ang kinalalagyan ko dahil mahirap huminga sa loob ng tube, sobrang sikip mahirap makalanghap ng hangin dagdagan pa ang mga tubig na pumapasok sa loob ng tube.

Tinignan ko ang bombang nakaset.
Twenty minutes, within twenty minutes kelangan madecode ni Ycz ang code na binigay ko para huminto ang bomba, kung hindi nya magawa iyon bubukas ang tube kung saan ako nilagay ng mga agent  then voilà instant pananghalian na ako ng mga pating. *Gulp*

Pero kampante naman akong hindi ako pababayaan ng mga agent dito kung sakali mang hindi nga magtagumpay sa pag decode si Ycz, ibababa naman nila ang mga bariles para ikulong ang mga gutom na pating at ititigil ang training ko.

But I doubt it. Magagawa ni Ycz na i-decode yun.

From my location I can clearly see them, alam kong nanjan na si Ycz at kasalukuyan nyang inaaral ang mga code na binigay ko, nag umpisa na rin ang timer ng bombang nakakabit sa kamay ko.

Alam kong mahihirapan sya pero may tiwala akong magagawa nyang idecode yun ng tama at hindi lalagpas sa twenty minutes na kelangan para sa training na to.

Ano bang nasa code? Well eto lang yun:

.

.

.

T-G

Z+B

R×C

Wala kayong nagets no? Well genius lang ang makaalam nyan. Hahaha kung genius ka hulaan mo nga ang code.

Mahaba pa ang oras ni Ycz may eighteen minutes pa sya para i-decode ang code.

I scan the other agents, ang ilan sa mga agent ay namumutla at  para ng hihimatayin, well sino ba namang hindi mamumutla at hihimatayin sa lagay ko?.

Eh  kung makakasama mo kaya ang mga pating sa training mo at ang magdedecode pa ay hindi pa naman agent, pupusta ako ng isang million na ganon din ang iiasta mo or worse nasa clinic kana ngayon.

Muli kong tinignan ang natitirang oras, fifteen minutes. Ycz faster, You can do it honey. I trust you.

Maya maya pa ay biglang tumigil ang timer ng bombang nakakabit sa kamay ko at naka alis na rin ang mga kadena sa kamay at paa ko.

BHO-CAMP:  His Secret Agent FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon