Chapter 7

1K 15 6
                                    

[Master's Note:   I dedicate this chapter to Purplenayi (Ghen) ^__^  I really love her stories. I'm inlove with Maico. Please Jhen, saken na lang si Maico My Loves ^___* Hope you like it :)) ]

CHAPTER SEVEN

Isang Paanyaya

“Jean, Jeannie huwag magpapasaway kay Lola ha? Behave lang kayo.”

 

‘’Yes Ma.’’Sagot ng bunsong anak ni Jee na si Jeannie. Samantalang nanatiling nakayuko lang ang panganay nyang si Jean.

‘’Jean? Are you alright anak?’’Lumapit sya sa kanyang panganay. Magmula kase ng dumating sila sa bahay nina Yvette, hindi pa ito nagsasalita.

“Ate’s fine Ma. Nahihiya lang sya kay ---” biglang tinakipan ni Jean ang bibig ni Jeannie gamit ang kanyang palad. Pinanlakihan nya ng mata ang kapatid.

‘’Jean may problema ba anak?’’

 

“Wala naman po Ma. Okey lang po ako. Promise po. At hindi rin po kami magiging pasaway kay Lola. Di ba Jeannie?” Hindi magawang sumagot ni Jeanni dahil nakatakip pa rin sa kanyang bibig ang kamay ng kanyang Ate. Tumango na lang  sya bilang pagsang-ayon.

“Jean pwede mo ng tanggalin ang kamay mo sa bibig ng kapatid mo. Para makahinga sya ng maayos.”

 

Bago tanggalin ang kamay, may ibinulong muna ito sa kapatid at sinang-ayon naman ng huli dahil muli na naman itong tumango.

“Jee tara na?” nabaling ang pansin nya kay Yvette. Nakatayo ito sa tabi ng Mama nya.

‘’Si Vince?’’  hinanap nya sa paligid si Vince.

Si Vince na kaklase nila. Dumating kase sila doon ng kanyang mga anak,  andon na ang binata. Nakita nya ring magkausap ang dalawa nong reunion nila. Siguro nagkaayos na sila. Alam na rin ni Vince ang tungkol sa anak nila na si Vincent.

‘’Nasa loob. Nag-uusap ang mag-ama.’’

 

“Ahh.” Yon lang ang kanyang naisagot sa sinabi ni Yvette. Kitang-kita nya kase sa mata ng kaibigan kung gaano ito kasaya ng araw na yon. Bumaling sya sa Mama nito. ‘’Tita pasensya na po kayo. Wala lang po talaga akong mapag-iwanan sa mga bata. Hindi pa kase bumabalik si Mama mula sa kabilang bayan.’’

 

‘’Ano ka bang bata ka, wala yon noh. Hindi na naman iba sa akin ang mga anak mo. Para ko na rin silang mga apo.’’

I Know What You Did 'Nong High School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon