Chapter 4

1K 13 6
                                    

CHAPTER FOUR:

 

The Reunion: It’s good to see you (Good nga ba talaga?)

Magara ang pagkakaayos ng buong school quadrangle. Nagkalat ang mga mesa at upuan para sa lahat ng Alumni. Agaw pansin ang malaking banner sa itaas ng stage, ‘Welcome Batch 2004’, katulad ito ng banner na makikita rin sa harap ng gate ng school.

May bandang kumakanta sa stage, pero wala roon ang atensyon ng lahat ng mga tao. Lahat sila ay abala makipagkwentuhan sa mga dating kaklase na ngayon na lamang ulet nila nakita.

Kitang-kitang ang kasiyahan sa mukha ng bawat isa. Marami sa kanila ang naging matagumpay sa buhay.

Nakakatuwang makita na ang dating kaklase na sobrang tahimik noon, ngayon ay sobrang daldal.

Ang madaldal noon, nadoble pa ang kadaldalan ngayon.

Ang taong totorpe noon, matikas na ngayon.

Muling nabuo ang pagkakaibigan na nabuo mahigit sampung taon na ang nakakalipas.

Ang ilan sa kanila ay may pamilya na, at ang ilan naman ay naghaharap pa rin ng kanilang makakapareha sa buhay.

Naging tampulan ng tukso ang mga naging magkasintahan noon.

Isa-isa pinasadahan ni Janis ng tingin ang lahat ng mga taong kanyang nakakasalubong, sa pagbabakasakaling makita ang mga kaibigan. Pamilyar sa kanya ang iba ngunit hindi na nya maalala ang pangalan ng mga ito. Kaya mas pinili na lamang nyang manatili sa isang sulok.

“Nakita ko si Marge kahapon. Mas lalo syang gumanda ngayon. Natupad nya ang pangarap nyang maging Beauty Queen noon.” Rinig na rinig ni Janis ang usapan ng grupo ng mga babae malapit sa kanya.

“Oo nga. Nakamayan ko pa nga sya. Bagay na bagay sa kanya ang maging Beauty Queen.”Sang-ayon ng isa sa mga kasama nito.

“Si Vince Villena andito raw. Naku, magpapapicture talaga ako sa kanya. Sikat na sikat sya ngayon. At paborito sya ng anak ko. Tiyak matutuwa ‘yon.” Sabi naman ng isang matabang babae.

‘’Nakita ko sila ni Kris kahapon sa may hotel sa bayan. Lalapit nga sana ako, nahiya lang ako. Ibang-iba kase ang hitsura ni Kris ngayon. Mukha syang mabait sa tv. Kung hindi ko nga lang sya kilala iisipin kong mabait talaga sya.’’ Sagot ng isa pa nilang kasama.

“Totoo nga kayang sila na?”

 

“Hindi sila bagay. Mas bagay si Vince at Yvette.”

 

“May-asawa na raw si Yvette sa ibang bansa ah.”

I Know What You Did 'Nong High School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon