Chapter 9

880 18 14
                                    

CHAPTER NINE                

Kaibigan o Kaaway?

 

Lahat sila nakatingin sa salamin kung saan nakasulat ang salitang DIE. Walang makapagsalita sa kanilang lahat.

Patuloy sa pag-iyak si Miles habang yakap ni Marge. Nangangatal ang buong katawan ng dalaga dahil sa sobrang takot.

Nanghihinang napaupo si Jee sa kama. Nag-aalala sya sa nawawalang si Yvette.

Nagising na lang sya, wala na ang kaibigan sa kanyang tabi. Akala nya maaga lang nagising ang kaibigan at naisipan maglibot sa paligid, pero ilang oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin ito bumabalik. Doon na sya nag-alala at hinanap ito sa buong paligid pero nabigo syang makita ang kaibigan.

At napagtanto nyang nawawala talaga si Yvette ng madatnan nya ang ayos ng kwarto nina Miles, at maging si Janis at nawawala rin.

Iginala ni Jee ang paningin sa kabuuan ang silid. Nagkalat ang mga itim na papel sa sahig. Malinis ang buong silid. Walang bakas na may nangahas pumasok doon.

Maliban sa mga nagkalat na papel at sa salitang nakasulat sa salamin ng kwarto, ay wala ng ibang kakaiba pa.

Hindi nya lubos maunawaan kung ano ang nangyayari.

Bakit nawawala si Janis at Yvette?

Sino ang nasa likod ng lahat ng ito?

***

Tulala pa rin si Kris.

Nanginginig ang kanyang kamay nang damputin nya ang lipstick na ginamit na  panulat sa salamin.

Nagtataka sya kung paano napunta ang kanyang lipstick sa silid nina Miles? Sino ang gumamit non? At bakit lipstick pa nya?

Naging palaisipan sa kanya ang lahat. May naglalaro sa kanila.

Pinaglalaruan sila.

Kung sino?

Hindi nya alam.

“Kris.” Tawag sa kanya ni Jee.

Dahil sa sobrang gulat, nabitawan nya ang lipstick at nahulog ito sa carpeted na sahig.

“Ayos ka lang?” si Jee ulet.

I Know What You Did 'Nong High School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon