Chapter 6

937 13 7
                                    

CHAPTER SIX:        

Sino kang talaga? Cass o Cassey?

Talo pa nila ang nakakita ng multo ng mga sandaling iyon.

Oo, multo.

Multo ng kaibigang si Cass.

Pero natitiyak nilang hindi ito multo. Katunayan, naglalakad ito habang nakaabrisyete kay Vince. Kinakausap ang bawat taong kanilang madaanan.

Nakikipagngitian.

Isa itong tao. Buhay na buhay!

Pero sino sya?

Imposibleng sya si Cass, dahil patay na noon pa si Cass. Kitang-kita ito ng kanilang mga mata. Sila ang naging saksi sa naging kamatayan ng kaibigan.

“Kung magkahiwalay man ang landas natin ngayon, siguradong pagkalipas ng maraming taon muli rin tayong magkikita. Basta magtiwala lang tayo sa isa’t-isa. Hindi dapat masira ang mga pangarap natin ng dahil lang sa pangyayaring hindi natin sinadya.” Nagpunas ng luha si Marge saka lumapit kay Janis. Niyakap nya ito at humingi ng sorry.

Sa kabila ng lahat, nanatiling walang imik si Cass. Nakatalikod sya sa lahat at nakapikit. Walang nakakaalam kung ano ang kanyang iniisip. Si Cass ang tila lider sa barkada. Bukod sa matalino na, mabait at kaibigan pa ng lahat. Kina-iingitan sya ng marami.

“Wala ka bang sasabihin Miss Valedictorian?” Boses ni Kris.

“Cass?” Bahagya syang nagulat ng biglang may kamay na humawak sa kanyang balikat. Nakangiting mukha ni Miles ang bumungad sa kanya. “Kanina ka pa walang imik. Okey ka lang ba?”

Dahan dahan syang humarap. Lahat ng mukha ng mga kaibigan sa kanya nakatuon. Halatang pilit na pilit ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Nalungkot sya sa nakita. Hindi ganito ang inaasahan nyang pagtatapos ng kanilang high school life.

“Aaminin ko ang totoo.”

Apat na salita lang iyon pero pakiramdam nila, talo pa nito ang isang bombang pinasabog sa kanilang mga mukha.

“Anong aaminin mo ang totoo? Nasisiraan ka na ba?” nanggagalaiting lumapit si Kris kay Cass at hinawakan ito sa balikat,saka marahas na niyugyog. “Cass gumising ka nga. Nakapatay tayo ng tao.”

“Tama si Janis. Aksidente lang ang nangyari at hindi natin sinasadya.”

“Pero nakapatay pa rin tayo. Tao yon Cassandra. Mabigat ang magiging kaparusahan sa ginawa natin.”

I Know What You Did 'Nong High School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon