Chapter 5

1K 17 17
                                    

CHAPTER FIVE:

 

Naniniwala ka ba sa multo? Pero teka, hindi sya multo!

‘’Ayan na pala si Kris eh.’’ Wika ni Liza.

Lahat sila nabaling ang tingin sa papalapit na si Kris. Binabati sya ng bawat taong kanyang madaanan.

Muntik na nilang makalimutan, hindi lang si Marge ang celebrity sa barkada.

“Mabuti naman dumating ka na. Where’s Vince?”

Lahat sila nakamasid lang kay Kris at Liza. Halatang magkasundong-magkasundo ang dalawa. Katunayan, nauna pang batiin ni Kris si Liza kesa sa kanila.

‘’May tumawag lang sa kanya. Pero babalik yon.’’

 

‘’Maiwan ko muna kayo rito. Lapitan ko naman ‘yong iba. Enjoy the night girls.’’

Tinanaw nila ang papalayong si Liza.

Namayani ang katahimikan.

Ilang segundong walang nagtangkang magsalita kahit isa sa kanila.

Pagkalipas ng sampung taon ngayon na lamang ulet sila nabuo, dangan nga lamang at kulang si Cass.

Masaya sila na muli silang nagkita pero andon yong pakiramdam na halatang nagkakailangan sila.

‘’Kumusta? It’s good to see you guys. Super namiss ko kayo.’’ Si Kris ang unang bumasag sa kanilang katahimikan.

‘’Bakit wala kang binanggit na ideya mo pala ito?’’ mataray na sita ni Marge sa kaibigan. Pabulong lang ang kanyang pagkakasabi dahil baka may makarinig sa kanya.

‘’Who said that?’’ painosenteng tanong ni Kris.

“Si Liza.” Titig na titig si Yvette kay Kris. Tila ba binabasa nito ang nasa loob ng kaibigan.

“Ah ‘yon ba? Umattend kase ako ng get-together kasama sina Liza last year. Naopen ko lang ang tungkol dito.”

 

“Pero bakit Kris? Alam mo namang--” –Miles

“Anong bakit? At bakit hindi? Ideya ni Cass ito remember? O baka naman nakalimutan nyo na?” Unti-unting nawala ang ngiti ni Kris. Pakiramdam nya meron syang hindi alam ng mga oras na yon.

“Isang linggo na lang gagradweyt na tayo. Yahoo! Paalam hayskul.” Sigaw ni Cass habang nakadipa ang dalawang braso. Nakaupo sila sa ibabaw ng pader sa likod ng kanilang school.

I Know What You Did 'Nong High School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon