Prolongue

2.4K 25 9
                                    

PROLONGUE:

“HAPPY GRADUATION!”

 

“CONGRATULATIONS!”

 

“GOOD BYE HIGH SCHOOL!”

 

“HELLO COLLEGE!”

 

“NEW LIFE!”

“Yeah right! New life!”Mahinang naibulong ni Jee habang nakatanaw sa langit. Bahagya syang narinig ng katabing si Janis. Maraming bituin sa langit at tila binabati sila sa kanilang pagtatapos. Sila na lamang ang natitira sa eskwelahan ng mga oras na iyon. Malalim na rin ang gabi.

“Okey ka lang?” Hindi sumagot si Jee. Humarap sya kay Janis na blangko ang mukha. Nasa mukha ng kaibigan ang pag-aalala.

“This is it guys! Dito na magtatapos ang kabanata ng buhay nating lahat. Magsisimula tayo ng bagong buhay. Iiwan natin dito ang lahat ng alaala ng bawat isa. Tulad ng napag-usapan, ibabaon natin dito ang sekretong ‘yon.  Aalis tayo dito na parang walang nangyari. Uusad tayo at hindi na kailanman lilingon pa.”

Mahina lamang ang pagkakasabi ni Marge pero rinig na rinig nilang lahat. Walang sumagot ni isa sa kanila. Lahat sila nakatanaw sa malayo mula sa rooftop ng kanilang eskwelahan. Suot pa rin nila ang kanilang graduation toga.

Ilang sandali lang maririnig ang mga hikbi mula sa isa sa kanila.

‘Hindi na ba talaga mababago ang pasya nyo?’ Hinagod ni Janis ang likod ng umiiyak na si Yvette. Tiningnan nya ang mga kasamahan. Mukha silang matatag pero kitang-kita sa kanilang mga mukha ang kalungkutan. Inakay nya ang kaibigan paupo sa bench na nasa gilid.

“Napagkasunduan na natin ito diba? Ngayon pa ba kayo aatras?” Nasa boses ni Kris ang inis.

“Tama si Kris. Para naman ito sa kapakanan nating lahat.” Kalmanteng sagot ni Miles, at inalo ang kaibigang si Kris.

"Aalis na ko bukas ng umaga. Sasama na ako sa Papa ko sa Cebu. Doon na kami titira." Wala sa sariling bigkas ni Marge. Hindi nila alam kung nagpapaalam ba ito sa kanila o sarili lang nito ang kausap. Lalo lang lumakas ang iyak ni Yvette.

"Ako rin. Doon muna ako sa Lola ko sa Mindoro. Ayoko na dito. Natatakot ako. Paano kapag may nakaalam ng nangyari ? Makukulong tayo." Halata sa kilos ni Miles ang pagkataranta. Hinawakan ni Kris ang mga kamay nyang hindi mapakali. Ngayon sya naman ang umaalo sa kaibigan.

“Hindi tayo makukulong. Aksidente ang nangyari.” Mula sa pagkakaupo sa bench, marahas na tumayo si Janis at lumapit sa gilid ng rooftop kung saan naroon ang mga kaibigan.

I Know What You Did 'Nong High School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon