Chapter 2

1.4K 19 10
                                    

CHAPTER TWO:

 

After Ten Years...Kumusta ka na?

Napabalikwas ng bangon si Janis ng maramdaman nyang may biglang humawak sa kanyang paa. Isang bagay na malamig kaya nanindig ang kanyang balahibo.

“LIZ ANO BA?” pasigaw na sita nya sa kaibigan at kasama sa bahay. Nasa kamay nito ang yelong nilapat sa kanyang paa. Kung alam lang ni Liz na ibayong kaba ang dinulot non sa kanya.

‘Highblood ka naman masyado. Oh!’ May inabot si Liz na kulay itim na sobre.

“Ano yan?”

“Ewan ko. Sa’yo nakapangalan eh. Bakit kaya hindi mo buksan ng malaman mo.” Kinuha nya ang sobre at tinitigan. Nakaramdam sya ng kaba ng makita ang address ng dating high school na pinapasukan.

“O ano daw?” tanong ni Liz.

“Galing sa Alma Mater ko.” Pabulong na sagot ni Janis.

“Ano yan tititigan mo na lang ba? Aba, hindi yan bubukas ng kusa.” Pumasok si Liz sa loob ng banyong nasa loob lang din ng kanilang silid.

Ano kaya ito?

May ilang minuto muna nyang tinitigan ang labas ng sobre bago nagdesisyong buksan. Huminga sya ng malalim bago buksan ang card na laman ng sobre. Tila isa itong imbitasyon.

Tulala na si Janis ng lumabas ng banyo si Liz, nakatapis ito ng tuwalya at nagpapatuyo ng buhok. “Uy Janis anong nangyari sa’yo? Para kang nakakita ng multo.”

“Ahh wala-wala!” umiwas sya ng tingin dito.

“Anong wala? Eh bakit namumutla ka? Okey ka lang ba?” Bago pa sya makasagot mabilis ng naagaw sa kanya ni Liz ang card. “Okey to ah! High school reunion. Aattend ka ba?” bakas sa boses ni Liz ang excitement, mas excited pa ito kesa sa kanya.

‘Hindi!’ matipid nyang sagot.

“Ang KJ mo naman. Hindi mo ba namimiss yong mga dati mong kaklase at kaibigan nong high school? After 10 years magkikita ulet kayo. Masaya kayo yon. Buti nga kayo may ganito, kami nganga. Mga walang kwenta ang mga kaklase ko.”

Sampung taon na ang nakakalipas, masyadong mabilis ang pagdaan ng mga araw, buwan at taon.Tandang-tanda pa nya ang lahat, parang kahapon lang nangyari.

Sampung taon,ganon na pala katagal. Hindi nagparamdam ang mga kaibigan nya sa loob ng matagal na panahon. Kumusta na kaya sila?

I Know What You Did 'Nong High School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon