Chapter 10

962 17 27
                                    

CHAPTER TEN

Sino ang tunay na salarin?

 

 

 

Hindi na makabangon si Kris dahil sa tinamong bugbog mula kay Jee.

Hinang-hinang napaupo na lang si Jee sa tabi ng tila wala ng malay na si Kris.

Nakamasid lang sa kanila si Marge, habang si Miles ay tulala pa rin. Wala na syang makialam sa kung anu ang nangyayari sa paligid.

“Hayop ka Kris. Pano mo nagawa ang ganito? Tinuring ka naming lahat na kaibigan. Minahal ka namin na parang kapatid pero ito pa ang igaganti mo sa amin? Napakasama mo. Kinain ka na ng inggit mo. Sinadya mong mahulog si Cass sa rooftop noon, tapos ngayon naman si Yvette at Janis. Saan mo sila dinala? Buhay pa ba sila? O pinatay mo na? Napakasama mo Kris. Napakasama mo.” Hindi na napigilan ni Jee ang sarili. Napahagulgol na sya ng iyak habang nakasandal sa kama. Nilingon nya ang nakabulagtang si Kris, saka mapait na ngumiti.

“Jee--” gumalaw si Kris, pero hindi natinag si Jee. Nanatili lang syang nakasandal sa kama. ‘’A-nong ibig mong sabihin? Hindi ako ang salarin dito.’’ Sa paputol-putol na boses ay nasabi ni Kris. May tumutulo ng dugo mula sa kanyang ulo.

‘’Tama na Kris. Tama na.’’ Umiiyak na sagot ni Jee.

Naawa si Jee sa kaibigan pero alam nyang hindi dapat ito kaawaan. Masama ito. Masama.

Ilang minuto silang natahimik. Walang nagsasalita sa kanila. Para bang kasalanan ang magsalita ng mga oras na iyon. Para silang mga wala sa sarili. Nakatulala lang sa kawalan.

Sabay-sabay silang napatakip sa kanya kanyang tenga ng makarinig sila ng malakas at nakakabinging tunog. ‘Yung ganong tunog sa nag-eechong microphone. Matinis. Masakit sa tenga. Nakakabingi.

Biglang bumukas ang screen ng malaking LCD na nasa loob ng silid, at halos lumuwa ang kanilang mga mata ng makita kung sino ang nasa screen.

“YVETTE!” sabay sabay nilang nasambit.

Biglang napalapit sa harap ng LCD si Jee at Marge. Tulala pa rin si Miles.

Dahan dahan namang bumangon si Kris at tumingin din sa screen. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita si Yvette.

Nakaupo ito sa isang upuang gawa sa kahoy. Nakatali ang dalawang kamay sa likuran, nakapiring at may busal ang bibig. Laylay ang ulo nito at hindi gumagalaw.

Galit na galit na bumaling si Marge kay Kris, na ngayon ay nakaupo na rin sa sahig at titig na titig sa malaking screen.

I Know What You Did 'Nong High School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon