Ang Kapit-bahay

4 0 0
                                    

Hi readers! Call me Jade. I am going to share this story about our neighbor back in 2010 when I was studying in Nevada. Expect some distressing and not suitable parts for depressed people ahead. I want us to be sensitive and aware. So let's skip the rest and get in to the story.

Temporary lang ang stay ko sa Nevada para lang tapusin ang secondary school. Sa tabi ng bahay namin nakatira yung babaeng parang nasa late 30s na. Usap-usapan sya noon dahil sobrang strange nya, hindi siya nakikipagsocialize. Sabi-sabi pa na baliw daw yun, tulala minsan nagsasalita mag-isa. Madalas ko rin siyang nakikita noon dahil nadadaanan ko yung bahay nila pag papasok sa school.

After 2 years, mga month ng November noong nabalitaan naming nagpakamatay siya. Here come's the interesting side of the story. It was proved na walang foul play sa pagkamatay, pure suicide dahil sa mental illness nung babae.

During the funeral, kinuwento ng lola nung babae sa aming mga close neighbors ang katotohanan tungkol sa kanya, since it's not fair to her side yung kumakalat na balitang baliw siya kaya siya nagpakamatay.

So here is her story. Sinabi ng lola niya na simula bata pa lang yung babae ay kakaiba na talaga siya. Hindi siya nakikipagkaibigan at mas gustong nasa kuwarto lang palagi. When she reached 15, mas lumala raw lahat. There was a time na nakita na lang nung lola na puro painting ng multo yung pader ng kwarto nung babae at hindi na rin siya nagpaparticipate sa school. That was when they decided na ihome school na lang siya. Walang progress, sobrang nagpalungkot yun sa magulang nung babae pero ayaw nila ipa-psychiatrist dahil masasaktan lang daw yung parents pag nalaman na may mental illness ang anak nila. Sinubukan daw ng lahat ng relatives na magbond at makatulong dun sa babae pero mas naging distant daw lalo.

On her 18th year onwards nung napapansin daw ng parents ang hindi pagtulog, hindi pagkain, depressive thoughts and wrist slitting. Sinabi samin ng lola na siya na raw mismo ang pumilit sa mga anak niya na magconsult sa specialists.

Noong nag 23 yung babae ay napakabihira na raw lumabas ng kuwarto, inutusan daw nung parents na ipatingin sa kakambal nung babae na icheck ito nang aksidenteng mapatay nung babae yung kakambal niya. Ayaw man raw ng pamilya pero pinili nilang ilagay sa mental asylum ang babae. Lumala raw ito lalo at di na nakakausap. Lagi raw sinasabi na ayaw siyang tigilan ng multo na kamukha nya. Naririnig niya raw ang isa pa niyang sarili na bumubulong sa kanya, nakikita niya na gumagapang sa pader at umiiyak sa mga sulok ng kuwarto. Kalaunan, may progress raw na nangyari, nakakausap na ito nang matino. She was 30 noong nakabalik na siya sa kanilang bahay. Ang mga unang buwan raw ay pangkaraniwan lang.

Katagalan, bumabalik raw yung babae sa dati. Sa gabi, madalas raw nila itong naririnig na humahagulgol. Ayon sa lola, sobrang ikinalungkot ng pamilya na idiagnose na baliw ang kaniyang apo kaya ito nagpakamatay. Sinabi raw ng mga specialists na she said she knew they were wrong, alam niyang hindi baliw ang apo kahit pa depressed ito. Dahil siya mismo nakita niya yung tinuturo nitong ibang babaeng kamukha niya. Alam nilang hindi iyon hallucination, kundi ang kakambal niyang nagmumulto. Sinabi nung lola na ilang beses niyang nakita ang multo na kakambal nung babae na nasa tabi nito habang natutulog. Nakita niya rin raw ang multo kung paano bumulong sa kakambal nito san man siya magpunta, maging noong nasa mental asylum pa ito. Pero dahil hindi naniniwala ang mga specialists sa involvement ng paranormal beings sa mga katulad na kaso, they preferred to settle it to be due to mental illness.

jade

Nakakatakot Na Kwento vol.2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon