Weird Mannerism

3 0 0
                                    

Hi I'm Ellen. Simpleng babae. Pero meron akong weird mannerism na miski ako hindi ko alam from the start.

Nawi-weirdohan ako pag nagigising ako ng madaling araw. Madalas past 2 or 3 minsan saktong 3. Hindi ko alam kung bakit, until one day may nabasa akong trivia na kapag daw ganun eh may nagmamasid sayo. Nung nalaman ko yun, natakot ako syempre. Pero nasanay na din ako. Pero hindi yan yung weird na mannerism ko.

Nung nakaraan lang sabi sakin ng kapatid ko na nakakatakot daw ako pag tulog. Madalas daw nagigising yung kapatid kong yun na naririnig nya daw akong nagkikiskis ng ngipin ko, tapos para daw akong nanguya ng buto ganun. Hindi ko magets kasi unaware talaga ako na ginagawa ko pala yun. So dinemonstrate nya and tinry ko pero di ko magawa, kasi nangingilo ako. Ang nakakapagtaka, sabi ng kapatid ko e ang lakas lakas ko daw magganun pag tulog ako. Then biglang nagsalita step mom ko (na naririnig din yung pagkikiskis ng mga ngipin ko pag tulog ako) sabi nya masama daw yung ganun. Pero what can I do kung di ko naman alam na ginagawa ko pala yun? Natakot ako.

Then recently naikwento ko yun sa pinsan ko, she also said na masama nga daw yun, and may possibility daw na baka saniban or something creepy would happen to me. Lalong nanayo balahibo ko.

Ano pong gagawin ko? Can somebody, yung may alam sa ganito kung ano pong true meaning nung mannerism kong yun. It would help a lot. Thankyou.

Ps. Dahil sa sinabi ng pinsan ko naiconnect ko somehow yung paggising ko tuwing madaling araw.

Pps. sorry po di ako magaling magkwento"

Ngipin
Calamba, Laguna

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nakakatakot Na Kwento vol.2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon