Hi po mga readers. Alam kong pamilyar sa inyo ito. Actually natatakot akong gawin ang istorya na to kasi masama sa amin ang pag usapan ito.
Galing ako sa probinsya ng Samar. I am proudly CALBAYOGNON and I am proud to introduce one of the best and known places in terms of water falls, caves, and beaches in the Philippines, ang SAMAR.
Maraming mga tao sa local man o international ang nalilito sa "The Lost City" pero sa amin ay hindi ito the lost city. Ito ay hidden city na located daw between the municipality of Gandara and Calbayog city. Sabi sabi ng matatanda dito ay sa Pagsanghan daw. Sabi ng lolo ko. Dapat daw naming ito ipagpasalamat dahil ito ang nagsisilbing proteksiyon namin sa bagyo, lindol at iba pang sakuna. Ang mga namayapa na mga bayani ay nakatira din sa hidden city na ito katulad nina Jose Rizal, Andres Bonifacio at iba pang tanyag na bayani sa bansa. Dito din napupunta ang mga taong namamayapa na may naimbag sa ating bansa upang ipagpatuloy ang kanilang paglilingkod at pagproteksiyon sa ating bansa.
Sabi sabi ng mga taong nakapunta at napanaginipan ang the hidden city ay isa daw itong maluwag, magara, mayaman, malaki at maingay na siyudad. Malalaki ang gusali. Mayayaman ang mga tao. May Jollibee, Mcdo, KFC at iba pang mga sikat na industriya at kompanya sa pilipinas. Mababait daw ang mga tao dito at mapagbigay.
Taong 2010 ata nang ipapalabas sana ang tiyatrong "Biringan" sa Nijaga Park dito sa Calbayog pero namatay ang direktor nito na hindi naman matukoy and dahilan. Nabulabog din ang siyudad namin nang may namatay na binata sa isang catholic school dito sa amin dahil sa acacia tree at kinuha daw sya ni Carolina. Dahil sa magandang mukha ng binata.
May nga nagsasabi ding minsan ay may mga bumibili ng mga sako sakong feeds ng baboy papuntang pagsanghan eh wala namang masyadong tao doon. May mga nag oorder din daw ng mga construction materials eh wala namang address ng nag order. At higit sa lahat tuwing distribusyon ng ostiyas sa simbahan ay nagsisialasin ang mga kalahati ng mga tao sa loob ng simbahan.
Kwento din ng tita ko na madalas daw siyang kumain sa carenderia sa market at kinuha daw ang cook ng carenderia bilang cook sa pyesta. Tinanong niya kung anong lugar pero sabi ng cook eh hindi niya alam ang lugar na iyon basta sumakay daw sya ng bangka at dumaan sila ng ilog. Pero hindi na niya maalala kung sino ang kumuha sa kanya at saang lugar iyon basta napadpad nalang sya sa pantalan (Sakayan ng mga bangka o barko) at inabutan lang daw sya ng pera. Nagpasalamat sya dahil nakabalik pa sya at parang nahypnotize lang daw sya.
Nagkwento din ang ninang kong nagseserve sa catering service. Nagcater sila sa isang piyesta sa pagsanghan. Makahoy daw ang lugar na iyon hanggang napadpad sila sa mala metro manila na mga gusali at nagcater sila sa isang malaking bahay. Maraming tao daw ang buong bahay ngunit napansin niya na ang mga bisita ay walang guhit ang sa itaas na bahagi ng bibig at bigla nalang daw naglaho ang mga bisita. At saktong naubos na ang mga putahe.
Kwento din ng teacher ko noong grade 4 pa lamang ako na ang nag iisang anak niya ay laging kinakausap ang punong dalakit (balete) hanggang isang araw ay hindi na natagpuan ang bata.
May mga nag order din daw na galing pang Manila na mga construction materials at hindi nila matukoy ang lugar na ibinigay sa kanila.
Kwento din ng teacher ko na minsan daw may truck na pumunta sa bahay nila at may lamang mga sofa ang truck eh ang litrato na ibinigay sa kanila na ang bahay sa litrato ay kapitbahay lang nila. Pero sa totoo ay hindi naman bahay ang nasa tabi nila kundi puno ng acacia.
Isa ding nakakatakot na pangyayari ang pagkawala at paglaho ng barkong "Donya Paz". Sabi sabi dito ay hindi lumubog ang barko kundi napadpad ito sa the hidden city. Walang kahit isang parte ng barko ang natagpuan at walang kahit isa o dalawang tao ang narecover. Mula ngayon ay hindi pa din natatagpuan ang barkong Donya Paz.
Marami pang kwento ang tungkol sa hidden city dito sa amin. Biringan ang lugar na pinapasalamatan namin. Biringan, o bilingan san nga tawo nag nagkakawagra (Lugar na hinahanapan ng mga taong nawawala). Masyado ng masama kapag pag usapan pa. Sa ngayon tumahimik nalang tayo at laging magdasal.
Dkstr
BINABASA MO ANG
Nakakatakot Na Kwento vol.2
HorrorKoleksyon ng mga nakakatakot na kwento. Hango sa mga tunay na pangyayari.