Hi readers! Ishi-share ko lang sa inyo itong istoryang naikwento sakin ng Papa ko not so long ago. Sa Makati kasi siya nagtatrabaho at araw araw siyang dumaan sa kahabaan ng "Open Canal". Isa itong mahabang kalsada sa Imus, Cavite na extended hanggang Daang Hari Road na papunta namang Molino Cavite.
Nung araw na yun, maagang umalis sa bahay yung Papa ko kasi kailangan daw nasa Makati na siya ng 6 am. Tandang tanda ko non 4:30 am siya umalis sa bahay. Kinagabihan pag uwi niya, kinwento na niya samin ang naranasan niya sa Open Canal nung bumiyahe siya ng umaga. Medyo mabilis daw ang pagpapatakbo niya nung umagang yun. Pero hindi daw niya alam kung bakit napatigil siya sa babaeng pumara sa kanya. Nagmamakaawa daw yung babae na isakay siya hanggang sa highway. (Take note nakamotor lang si Papa). Naka puting bestida daw yung babae pero akala mo daw talaga eh tipikal na babae lang. Naghesitate daw ang Papa ko kasi bukod sa naka bestida siya, sabi daw ni Papa eh wala siyang extra helmet para dun sa nakikisakay na babae. Humingi na lang siya ng pasensiya at humarurot na daw.
Kinagabihan, dun daw uli dumaan si Papa pauwi naman. Habang nasa kalagitnaan daw si Papa ng Daang Hari - Open Canal Road naramdaman daw niya ang biglaang pagbigat ng motor niya na para bang sumakay. Medyo napagewang pa nga daw siya kasi nadistract siya at tumaas na daw bigla mga balahibo niya. Tiningnan niya side mirror ng motor niya, wala naman daw nakasakay pero bumigat daw talaga. Nagpray daw siya ng paulit ulit. Paglagpas niya sa madilim na kahabaan at maliwanag na ang daan, bigla daw gumaan ang motor niya. 2 weeks after niyang ikwento samin yun, may aksidente ring naganap sa parehong lugar na dinaanan ng Papa ko. Mga grupo ng magbabarkada naman daw ang namatay at ang kwento daw, may humarang din sa kanila na babaeng nagpupumilit sumakay. Pero sa kasamaang palad, naaksidente silang lahat.
Mula non, hindi na dumadaan sa kalsadang yun ang Papa ko. Patuloy ang pagwawarning ng karamihan sa Daang Hari Road na palaging mag iingat pag napadaan sa lugar na yun. Samahan na rin natin ng dasal at pananampalataya.
Inhinyera
BINABASA MO ANG
Nakakatakot Na Kwento vol.2
УжасыKoleksyon ng mga nakakatakot na kwento. Hango sa mga tunay na pangyayari.