Nangyari lang to last week sa bahay nila tita sa Batangas. Taga Cavite kasi talaga kami. Yung relatives namen sa side ni mama ang mga taga Batangas.
So yun, dahil nga minsanan lang kami umuwi ng Batangas, hindi maiwasang magkasiyahan ng magdamagan. 2AM na non nung nagpasama ako sa ate ko na pumunta na sa kwarto kase nga mejo antok na tapos pagod pa. Papasok na kami sa kwarto ng nagpaalam sya na kukunin nya muna yung phone nya sa pinsan ko na nasa sala.
Pagpasok na pagpasok palang namin sa assigned room iba na yung aura. Yung tipong sa bintana lang manggagaling yung hangin, buwan lang ang magsisilbing ilaw, papag na may sapin na banig at dalawang unan at lumang cabinet na may salamin ang bubungad sayo. Malas ko lang kase ang ka-room mate ko yung ate ko na matatakutin din.
3AM na gising padin kami ng ate ko nagkukwentuhan dahil nga namamahay kami. Bigla nya kong tinanong ng,
"naniniwala kaba na kapag 3AM eh maraming nagpaparamdam na kung ano anong elemento at kaluluwa?"
ako naman syempre hinde. Ayoko kasing takutin yung sarili ko lalo. Malolosyang ako.
Kakakwentuhan namen, di namen namalayan na 3:13AM na pagtingin ko sa phone ko. Papikit nako ng bumulong sakin yung ate ko,
"samahan mo muna ko sa cr, ihing ihi nako"
eh dahil ang sarap na ng higa ko at nakakaramdam nako ng antok, pinilit ko syang umihi mag isa at sinabe ko na hayaan nalang na bukas yung pinto ng kwarto.
Sa anino nya sa ilaw na nanggagaling sa buwan, para syang malaking tao. Pinagtawanan ko sya kase nga ang payat payat nya pero ang laking tao sa anino. Pagbalik nya medyo nakangiti sya kase hindi nga daw sya natakot.
Pag gising ko nung umaga, wala nakong katabi. Lumabas ako ng kwarto at nadatnan sina tita na naghahain ng umagahan. Tinignan nya ako at tinanong nya kung bakit puro pasa daw yung braso at hita ko. Tyaka ko lang napansin at naramdaman na parang bugbog yung katawan ko. Naisip ko na dahil lang yun sa papag na hinigaan ko.
Pagdating ng papa ko sa kusina tinanong nya ko,
"Sinong kasama mong natulog? dun na nakatulog sila ate mo sa sala gawa ng pinainom ng pinainom nila Jelai eh. Kukunin lang daw yung celphone, pinaupo na dun sa inuman. ayun lasing sila lahat."
Nagulat at naiyak ako sa takot kase all this time hindi pala yung ate ko yung kakwentuhan, pinagtawan at katabi ko matulog. Kinwento ko yun kay tita at sinabi nya na baka doon ko daw nakuha yung mga pasa ko sa katawan. Mabuti nalang daw yun lang ang ginawa sakin at hindi ako isinama sa mundo nila. Holyshit kase natotrauma na ako katabi matulog yung ate ko.
Jjrj
BINABASA MO ANG
Nakakatakot Na Kwento vol.2
УжасыKoleksyon ng mga nakakatakot na kwento. Hango sa mga tunay na pangyayari.