Black Lady for Rent

3 0 0
                                    

Ako yung tipong hindi matatakukin. Mahilig akong magbasa ng scary stories. Kaya ko rin manuod ng horror movies mag-isa at patay ang ilaw. Minsan nga nanunuod ako sa sine ng nakakatakot kahit wala akong kasama. Hindi rin ako madaling maniwala sa mga multo o kung anumang mga kwentong katatakutan.

Pero nagbago yung paniniwala ko nung taong 2010. Unang taon ko yun na nakapasok ako sa trabaho sa BPO (call center). Dahil malayo ang inuuwian ko, nagpasya kami ng tatlo ko pang officemates ko na magrent na lang malapit sa workplace namin. Syempre, bukod sa location ng bahay, kelangan din iconsider yung presyo ng uupahan.

Nakakita ng mura yung isang kasama namin. Chineck namin yung lugar sa may Ugong, nasa loob sya ng isang parang compound at nasa bandang dulo. 2 storey apartment sya at sa baba yung pinaparentahan. May isang maliit na kwarto, may sariling cr, may mini kitchen, space for dining area at small living room. Lahat yan para sa 5,000 php lang. Murang-mura na para saming apat, sarili pa naming yung bahay.

So ayun, nagmove in kaagad kami at nag-invite ng ibang friends sa unang gabi ng stay namin dun. Medyo nagkasiyahan ng konti at uminom din kami.

Oras na para matulog, dalawa kaming natulog sa kwarto at lahat sila puro sa may sala na nahiga.

Bandang alas dos ng madaling araw, nagising ako kasi ang ingay sa sala. Parang nagkakagulo sila. Meron daw magnanakaw at nagtangkang magbukas ng pinto. Natakot kami, yung iba naming kasama nagreport sa barangay. At kaming naiwan, nag uusap pa rin sa nangyari. Sabi nung friend namin na tawagin nating si “Ms. D”. Hindi daw yun magnanakaw, may kakaiba daw. Paano daw gagalaw ang doorknob sa loob eh dalawa ang pintuan namin. May aluminium screen door sa labas. At sure daw silang nakalock yun kahit nung after na nung incident. Pero di na lang namin masyado pinansin dahil mga puyat din kami at may pasok pa kinabukasan yung iba kaya natulog na lang ulit kami.

Kinaumagahan, pumasok na sila sa work. Tatlo kaming naiwan dahil wala pa kaming pasok nun. Si Ms. D, si Mr. A (bisita) at ako. Lahat kami sa sala na nagpahinga. Maya-maya nagkwentuhan kami. Sabi nilang dalawa, may kakaiba daw silang nararamdaman sa bahay. At dahil nga di ako nagpapaniwala dyan, hinayaan ko na lang silang mag-usap at natulog ako.

Pagtapos ng ilang minuto, naalimpungatan ako. At nagulat sa nakita ko, may black lady sa may tapat ko pero nasa bandang dining area, pagpikit ko saglit, mas lalong lumapit sya sa paanan ko. Hanggang naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Ms. D at may binubulong sya sakin na di ko maintindihan habang yung mata nya masama yung tingin sa isang side ng bahay. Pahigpit ng pahigpit yung yakap nya. Pinilit kong sumigaw, binabanggit ko pangalan ni D pero di ako makapagsalita. Hanggang sa nasabi ko pangalan nya at nagising ako.

Masamang panaginip pala. Grabe, parang totoo, natakot ako. Same place, same scenario, parang gising din ako nun. Tinanong nila ako kung anong nangyari kaya kinwento ko. Sabi sakin ni D, hindi daw sya yung yumakap sakin kundi yung black lady, kaya lalo akong natakot pero sabi ko baka nagkataon lang.

Maya-maya para na naman akong nakatulog, pero naulit na naman yung kanina. This time, nakaupo ako sa sala at yung dalawa kong kaibigan nasa magkabilang gilid ko. Yung black lady nasa tapat ko pa rin at binibigyan ako ng kutsilyo. Hindi sya nagsasalita pero parang may nagsasabi sakin na kunin ko yung kutsilyo at saksakin sila, kundi ako yung papatayin nila. Kinuha ko yung kutsilyo pero binato ko sa malayo.

Nagising ulit ako. Kinabahan ako at kinwento ko ulit sa kanila. This time alam ko may mali na. Pagtapos nilang marinig yung kwento ko, parang sila na yung natakot. Sabi ni Mr. A, may balisong sya sa ilalim ng unan nya, nilagay nya dun dahil sa issue na may magnanakaw kagabi. Natakot sila sakin at baka sinusubukan daw akong sapian kaya lumabas na kaming tatlo ng bahay at tumambay sa labas.

After nun, wala nang naiiwan mag-isa sa bahay dahil takot na kaming lahat. Lagi rin naka-on yung TV para maingay. Pag may magcCR, kelangan may bantay sa labas ng pinto at tuloy-tuloy ang kwentuhan. Nagwisik din kami ng asin sa loob ng bahay. Sabi nila wag daw naming pag-usapan para hindi maattract yung entity. Akala namin okay na kahit medyo takot pa kami.

One time, sinama ni Ms. M (friend namin) sa bahay yung anak nyang batang lalake (mga 4 to 5 yrs old) kasi off nya naman. Sa sala kami naglatag para matulog. Bigla na lang nagsalita yung anak nya na "Mama, may mumu" sabay turo sa bandang kusina. Nagtitigan na lang kami at sinabi nya sa anak nya na walang mumu dun. Niyaya nya pa yung anak nya na sumama sa kanya sa kusina para magtimpla ng gatas. Nung pabalik na sila sa sala, yung anak nya hinaharangan sya sa dinadaanan nila na parang may ibang tao dun. Biniro ko pa si M, sabi ko wag nya na ulit dalhin yung anak nya. Hinayaan na lang namin yung nangyari.

Pero pagtapos ng ilang linggo, nagkasiyahan ulit kami. At ganun ulit set up namin, may natulog sa kwarto, at meron sa sala. Kaming nasa kwarto, bigla na lang nakarinig ng parang naghabol ng hininga at biglang umiyak. Si Ms. M pala. Lumabas kami at nakita namin sya na iyak ng iyak. Sabi nya nanaginip daw sya at nakita nya yung black lady, pero this time sinasakal na sya. At naalala nyo si Mr. A na bisita namin? Nakita nya rin pero may balot daw na itim na kumot yung buong katawan at mukha.

Dito na kami nagdecide na lumipat ng bahay. Wala pa yata kaming 2 months dun at kahit di na ibinalik yung deposit namin, di na namin inantay dahil baka ano pang mangyari samin. Nakalipat naman kami kaagad sa iba pero yung takot hindi agad nawala. Sa kabutihang palad, wala namang sumunod samin. Ngayon, di pa rin ako madaling matakot pero naniniwala na ako na hindi lang tayong mga tao ang nasa ibabaw ng mundo. Dasal na lang tayo. Sabi nga ng friend ko na si Ms K, pag malakas ang faith mo, hindi ka nila magagawan ng masama.

Ms. G, Horror movie lover

Nakakatakot Na Kwento vol.2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon