Nursery Rhyme

5 0 0
                                    

Twinkle twinkle little star how I wonder what you are...

Ito po ay story about sa creepy toy ng kapatid ko. 11 months nang patay si baby. Namatay si baby dahil sa malakas na pag-untog ng ulo niya sa sahig. Iyak ng iyak si mama noong napanood niya yung kuha ng CCTV sa room ni baby. Nakahiwalay kasi yung play room niya na dating bodega, nakita namin na umaakyat siya sa laruang kotse at ginawang patungan upang abutin yung tablet niya, yung may mga kantang pambata (nursery rhymes). Aksidenteng gumulong yung kotse at nahulog si baby ng malakas.

Dahil doon parang may nagbago sa bahay, siguro dahil namimiss namin siya, at hindi na rin ganoon kasaya sa bahay kaya siguro naka-attract ng negative vibes. Hindi na pinagamit ni mama yung play room ni baby at ayaw niyang ipagalaw pati yung mga gamit ayaw niya rin paalis, gusto niya tulad pa rin ng dati.

Yung play room ay nasa gitna ng room ko at master's bedroom. After 11 months na nawala si baby, medyo nasasanay na kami. Madalas umaalis ng bahay sina mama at papa upang magtrabaho, si mama dati hindi naman siya nagtatrabaho, noon lang nawala si baby, siguro para makalimot.

Noong isang gabi mag-isa ako sa bahay dahil hindi pa umuuwi sina mama at papa. Habang naglalaro ako sa cellphone, may narinig akong tunog sa katabing room which is yung dating play room. Tinigil ko muna yung paglalaro at pinakinggan yung tunog, narinig ko yung twinkle twinkle little star, yun yung favorite song ni baby sa educational tablet niya. Kinilabutan ako dahil doon at ang masama pa ay gabi at mag-isa lang ako. Inisip ko na lang na imagination ko lang yon para di matakot. Pero hindi tumitigil yung kanta kaya kumuha ako ng earphones at nagpatugtog ng malakas. Akala ko makakaya kong maghintay hanggang makarating sila mama pero di ko natiis, dahil naririnig ko pa rin yung nursery rhyme na kanta. Nilakasan ko yung loob ko at pumasok sa play room, kahit na takot na takot ako naglakas loob pa rin ako, pagswitch ko ng ilaw mabilis kong inopen yung cctv sa room at tumakbo sa room nila mama. Nakabalot ako ng kumot habang pinapanood yung cctv.

Una parang tahimik lang, kaya kumalma naman ako pero biglang may nahulog galing sa kisame, yun yung laruan ni baby, yung educational tablet niya. Bigla na namang tumunog yon, yung twinkle twinkle little star. Pinipigilan kong sumigaw dahil sa takot, tapos yung mga stuff toy sa play room ay nagsihagisan, as in tumilapon lahat at nagkalat sa play room. Di ko na alam kung anong gagawin ko, gusto kong tumakbo palabas pero di ko magawa.

Tinawagan ko si papa, tapos si mama yung sumagot, nagda drive kasi si papa, nasa garahe na daw sila kaya mabilis akong tumakbo sa kanila. Pagdaan ko sa play room nagpatay sindi yung ilaw doon pero alam ko iniwan ko yun na nakasindi para makita ko ng maayos sa cctv.

Noong napuntahan ko sina mama at papa nagtaka sila bakit pawis na pawis ako at naluluha. Kinuwento ko lahat sa kanila yung nangyari at pinanood yung replay ng CCTV. After non nagpray lahat kami sa play room, nagsindi ng kandila at inayos namin yung mga nagulong gamit.

Simula noon pinaligpit na ni mama lahat ng gamit doon at sinimulan na naming magMOVE ON. Para matahimik na si baby at magsimula ng buhay na masaya tulad ng dati.

Ngayon masaya na ulit kami at sana hindi na mangyari yon, baka di ko na kayanin.

God kung nasaan man po si baby sana masaya siya at sana pag nagkita ulit kami gustong kong marinig yung twinkle twinkle little star na lagi niyang kinakanta.

BigBrother

Nakakatakot Na Kwento vol.2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon