Chapter 6

14.4K 527 8
                                    

"What happened to you?"

"Don't ask..." pabalang na sagot ni Caloy sa kaibigang si Diego.
Ang sama ng tingin nito sa dumudugong sugat niya.

Kararating lang niya sa kanyang apartment. Dumeretso siya agad sa lababo at hinugasan ang tama ng baril sa kanyang braso. Buti na lamang at daplis lang iyon. Pumasok si Diego sa kanyang kuwarto, may kinuha, lumabas at may initsa sa kanyang isang malinis na bimpo. Agad niya iyong sinalo saka itinali sa kanyang sugat.

Matalik niyang kaibigan si Diego. Ito ang tumulong sa kanya upang makaalis sa puder ni Boss Gardo; ang pinuno ng sindikatong kumupkop at um-exploit sa kanila noon. Napasama rin kasi ito sa mga batang inalipin ng grupo nina Boss Gardo.

Kasalungat niya, nanggaling sa isang mayamang pamilya si Diego ngunit nagkaroon ito ng 'di pagkakaunawaan sa sariling ama kaya naglayas at napasama sa mga sindikato.

Mas matanda ito sa kanya ng dalawang taon. Itunuring na niya itong isang nakakatandang kapatid at sa katunayan, maliban sa Nanay Esting niya ay ito na ang itinuring niyang kapamilya. Kung hindi dahil dito ay hindi sila makakatakas kay Boss Gardo.

Mabuti na lang sa pagtakas nila ay napadpad sila sa mga kamay ng dalawang mayamang Amerikano, ang mag-asawang Lundgren.
Kinupkop sila ng mag-asawang Lundgren at dinala sa Amerika. Ang mga ito ang naging daan upang makapagtapos siya ng pag-aaral at makapasok sa CIA.

"How on Earth did you get that, kid?" patuloy na pangungulit ni Diego.

Minsan ay nakukulitan siya rito. Itinuturing pa rin kasi siya nitong bata. Dati kasi ay lagi siyang napapasabak sa away, lapitin kasi siya ng gulo. Tahimik lang siyang bata ngunit intimidating daw ang hitsura niya kaya napagkakamalan siyang laging naghahamon ng away. Si Diego lagi ang rumeresbak sa kanya pagkatapos ay sesermonan siya at babatukan.

"A bunch of retards and an arrogant witch," sagot niya. Kumuha siya ng dalawang canned beers sa refrigerator at initsa dito ang isa.
Mabilis naman nito iyong nasalo.

"You want me to call Guia?"
Si Guia ay ang fiancé nitong doktor.

Umingos siya. Bakit ayaw nitong tantanan ang sugat niya?
Hindi na niya mabilang kung ilang bala na ng baril ang tumama sa katawan niya. Ulo na lang yata ang hindi pa nadadaplisan. Sanay na siyang masugatan at...masaktan.

Whatever...

"No need. It's not as if this is my first time to catch bullets," sa halip ay sagot niya.

"I thought you're planning to retire in CIA?" out of the blue na tanong nito.

Nag-angat siya ng tingin dito.
"Yup. Why?"

"Mr. Hudson called me last night, he was looking for you. Hindi ka raw niya ma-contact." Si Peter Hudson ang Director ng unit nila.

Hindi talaga siya mako-contact ng mga ito dahil nagpalit siya ng numero at bihira lamang siya gumamit ng cellphone.

"What does he want from me?" tanong niya.

Naglakad ito papuntang sala at kinuha ang attache case nito. Gusto niyang matawa sa get-up ng kaibigan. Kailanman ay hindi niya inakala na magseseryoso ito sa buhay. Diego is now a lawyer and managing some of his family's businesses. He said he wanted to take his life seriously. It must be Guia's fault. She must have put some sense into his bestfriend's crazy head.

Hindi niya naiisip ang sarili sa ganoong estado. He's managing his own business now but he has no plan to settle down, especially not at this moment. He was fully wrecked. One of his best friends and ex-girlfriend, Kelly, horribly broke his heart. He just can't trust women anymore.

Lost And FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon