Chapter 19

15.3K 502 48
                                    

"Isa na naman pong bangkay ng isang pinaghinihinalang sindikato ang natagpuang patay sa condominium unit nito sa Quezon City..."


Napatingin si Ian kay Caloy nang lakasan nito ang volume ng sterio ng kanyang kotse. Kasalukuyan silang naiipit sa trapiko at naghihintay na umusad ang kanilang sasakyan. As usual, ito ang nagmamaneho.
Ito ang klase ng drayber na mas type makinig ng mg balita kaysa magpatugtog ng music. Kakaiba din ang trip nito.

Tahimik lang siyang nakikinig. Lately ay dumadami ang natatagpuang bangkay ng mga pinaghihinalaang mga sindikato. Pinag-iigting na naman kasi ng kanyang ama ang kampanya laban sa droga at pagtugis ng mga big time syndicates. Malamang ay inuunahan ng mga drug lords ng mga sindikato na paslangin ang kanilang mga miyembro bago pa maunahan ng mga tumutugis na awturidad.

Malupit kasi talaga ang kanyang ama sa mga nahuhuli. Hindi ito tumitigil hangga't hindi natutukoy ang mastermind ng mga sangkot. Kapag napatunayan na may kasalanan, talagang may malaking parusa ang nag-aabang.
Umalis siya sa pagkakasandal sa upuan at kinausap si Caloy. Nasa driver's seat ito samantalang siya'y nasa likuran nakaupo.

"Hindi ka ba nabo-bore sa pakikinig ng mga balita?" tanong niya sa lalaki.

"Hindi," sagot nitong hindi lumilingon sa kanya.

"Like duh? News is a major stressor! Doesn't it make you bored hearing news everyday?"

"Not at all."

She rolled her eyes. She wondered kung gaano ka-poor si Caloy at pati mga salita nito ay tinitipid. Bumalik siya sa pagkakasandal sa upuan saka humalukipkip.

"Ilipat mo na nga lang sa FM at makinig na lang tayo ng music," aniya.

"I can't."

Tumaas ang kilay niya. "At bakit hindi?"

"I don't like listening to music."


Natawa siya nang pagak. "Well, I do! Ilipat mo sa FM kasi gusto ko. Sasakyan ko 'to, remember? And that's an order!"


Walang kibong inilipat nito sa FM ang estasyon. Pinagmasdan niya ang reaksyon nito sa salamin. Nakakunot ang noo nito. Hindi naman ito mukhang naiinis sa kanya. Mukhang may malalim itong iniisip. May kinalaman ba doon ang balita sa radyo? Ano namang pakialam nito sa mga sindikato samantalang hindi na ito agent?
Nagkibit balikat siya at nagpasiyang abalahin ang sarili sa kanyang cellphone. Hindi na niya kinibo ito at mukhang may malalim talagang iniisip. She wondered what or who could that be?

Napatigin siya sa message sa kanya ni Sophia. Nagpagawa nga pala siya ng gown sa kaibigan dahil may dadaluhan siyang engrandeng gala sa isang five star hotel. Ang host ng event ay ang Bise Presidente na si Hon. Juan Felomino. Isa siya sa mga imbitado at special guests ng event. Ayaw man niya ay nagpaunlak siya sa imbitasyon.

Hindi niya gusto ang Bise Presidente dahil numero unong kritiko ito ng kanyang ama.
Magkalaban ang partido ng dalawa noong nakaraang eleksyon at noon pa lang ay nagtatapunan na ng maaanghang na salita ang bawat kampo ng mga ito. Walang tiwala ang kanyang ama sa Bise dahil lagi itong kumokontra sa mga desisyon ng administrasyon.

Feeling niya ay nakikipagplastikan lang ito nang imbitahan siya. Kahit ayaw man niya ay kailangan niyang dumalo upang hindi siya lumabas na bastos.
Naisipan niyang kunin sa kanyang bag ang invitation letter na ipinadala ng sekretarya nito kanina sa Studio R. Maganda ang desenyo ng envelope ngunit nang buksan niya ay bigla siyang napabahin sa amoy ng papel.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost And FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon