Chapter 5

14.7K 485 8
                                    

Napakabilis nang pangyayari! Bago pa makapa-react si Ian at ang ibang mga kidnappers na nakapalibot sa kanya ay mabilis na sinunggaban ng bagong dating na lalaki ang matabang pangit na kidnapper kanina at sinapok ito sa mukha. Tumilapon agad ang matabang kidnapper sa lupa. Napamaang na naman siya.

Nakilala niya agad ang lalaking bagong dating, ang lalaking antipatiko sa palengke kanina! Nagkrus muli ang landas nila! At sa lahat pa ng tao sa Quiapo ay ito pa ang nakasaksi sa mga nangyayari.

Nagpaputok ng baril ang kidnapper sa likuran niya. Napasigaw siya at naitakip ang mga kamay sa dalawang tenga. Yumuko siya upang hindi matamaan ng bala. Nadagdagan pa ang mga putok. Hinanap ng mga mata niya ang lalaki. Namangha siya't nandoon na ito agad sa likod nang malaking truck!

This guy is a pro. He must be used to this.

Sinugod ito ng mga kidnappers. Napalunok siya. Madadamay pa yata ito sa pagiging pakialamero. Kung may mangyari mang masama dito, sasagutin na lamang niya lahat ang gastos nito sa ospital. At kung minalas ito, siya na rin ang sasagot sa punerarya at pagpapalibing nito. Ang importante ay makatakas siya agad doon!

Ang tatanga din ng mga kidnappers na 'to, iniwan lang ako dito na walang bantay!

Kahit masakit ang kanyang balakang ay sinubukan niya pa ring tumayo at pinulot ang kanyang bag. Tatalilis na sana siya nang makarinig na naman nang sunod-sunod na putok ng baril. Napalingon siya sa mga ito. Hindi na niya makita ang lalaki at mga kidnappers! Kinakabahan siya. May nangyari kayang masama sa lalaki? Nabaril kaya ito?

Nagdadalawang isip siya kung tatakas o tutulungan ang lalaki. Parang hindi maaatim ng konsensiya niyang iwan ito. Sa huli ay pinili niyang panoorin ang mga nangyayari. Gumapang siya sa ilalim ng truck at sinilip ang mga ito.

Muntik na siyang mapasigaw sa takot nang saktong bumagsak sa harapan niya ang isa sa mga kidnappers. Duguan ito at walang malay. Sa kabilang banda naman ay ang lalaking antipatikong tumulong sa kanya. Akala mo'y action star ito habang nakikipagsuntukan sa dalawa pang natitirang kidnappers.

Napansin niyang parang sanay sa basagan ng mukha ang lalaki ngunit hindi 'yong suntukang pang-kanto. Mukhang hindi ito pangkaraniwang kargador lang kung makipaglaban. Mabilis at kalkulado ang mga kilos nito at walang kahirap-hirap na naiilagan ang magkasabay na atake ng dalawang kidnappers. Trained fighter kaya ito?

Baka tama ang hinala kong army siya tapos nagpa-part time kargador. Naks, masipag ang savior ko!

Sa isang iglap ay tumilapon ang isa sa mga kidnappers nang patikimin nito iyon ng flying kick. Ang natirang kidnapper naman ay mabilis sumugod sa likod ng lalaki at niyakap ito nang mahigpit sa likuran upang hindi makapumiglas. Sa laki ng kidnapper, hindi makakakilos ang lalaki dahil pinipigilan ito sa dalawang braso.

Hindi niya inasahan ang sumunod na ginawa ng lalaki. Inumpog nito ang likod ng ulo sa mukha nang malaking kidnapper. Halatang napuruhan ang kidnapper at agad nabitawan ang lalaki. Mabilis na nakapuwesto ang lalaki sa likuran ng kidnapper at pinaikot ang braso sa leeg ng huli. Hinigpitan nito ang braso sa leeg ng kidnapper hanggang sa kapusin ng hininga ang huli at bumagsak sa lupa.

Gusto niyang pumalakpak at mag-standing ovation kaso nasa ilalim siya ng truck. Napatumba nito nang walang kahirap-hirap ang limang kidnappers! Lumabas siya sa kanyang pinagtataguan saka ito excited na nilapitan. Nginitian niya ito...kaso masamang tingin ang ibinabalik nito sa kanya kaya napasimangot siya.

Bakit ba lagi siya nitong pinanlilisikan ng mga mata? Napaka-cold at antipatiko nito! Kumibot ang mga labi niya saka ito inirapan. Nahuhulaan na niya ang gusto nito. Hinugot niya ang cheque sa kanyang bag. Nagsulat siya doon ng isang daang libo saka inabot dito.
Tiningnan nito ang inabot niyang cheque saka ibinalik ang tingin sa kanya. Biglang sumikdo nang malakas ang dibdib niya nang makitang lalong dumilim ang mukha nito.

Lost And FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon