Chapter 7

13.5K 493 11
                                    

Tahimik na tinutupi ni Caloy ang manggas ng kanyang tuxedo. Medyo mahaba ang manggas niyon sa kanya. Kasalanan niya dahil late na siyang nakakuha ng sariling suit para sa kasal ng kaibigan niyang si Diego.

Binili niya lang iyon sa department store at hindi niya ipinaalam dito. Baka kasi makatikim siya ng mura kapag pinaalala niyang nakalimutan niyang magpasukat ng damit doon sa boutique ng kaibigan ni Guia.

Nasa harapan niya si Diego, hindi mapakali at kanina pa palakad-lakad. Nasa bungad sila ng simbahan habang hinihintay ang bride nitong si Guia. Nakapostura ito habang suot ang isang mamahaling amerikana at makintab na leather shoes pero nagmumukha itong tanga sa mga oras na 'yon.

Hanga siya sa pagiging matapang na lider ni Diego pero parang timang itong hindi mapakali sa sariling kasal. Mukha itong kabayong constipated na hindi alam kung paano tatae. Kanina pa ito nagpupunas ng pawis sa noo.
Ganoon ba talaga ka-tensed ang ikakasal?

Ipinasok niya ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon at sumandal sa haligi ng simbahan.
"Man, you looked more anxious than a prisoner facing death penalty. Chill out!" sita niya rito.

Humarap ito sa kanya habang pinupunasan ang noo. "Do I look good in my suit or what? Do I look perfect?"


Kung babae lang siya ay kanina pa niya pinaikot ang kanyang mga mata. Pang isang daang beses na yata nitong itinanong iyon sa kanya. Naisipan niyang inisin ito.

"You look like a constipated horse."

Saglit itong nalito sa sagot niya hanggang sa unti-unting nagusot ang mukha nito.
"You punk!" Akmang susuntukin siya nito ngunit mabilis siyang nakaalis sa kanyang puwesto.

Natatawang pinagmasdan niya ang nanggagalaiti nitong hitsura. Seriously, hindi pa niya ito nakitang ganoon ka-tensed. Kahit noong nasa delekadong lugar sila ng Middle East at nakikipaghabulan ng bala at granada sa mga ISIS ay cool at composed pa rin ito. Hindi katulad ngayon na konting pang-iinis pa niya ay baka mag-break down ito at bumagsak sa Mental Hospital.

"You're gonna be staying with this constipated hirse in the altar, you punk!"

"Nah. I'm gonna stay away from you and sit in the pew with the lovely bride's maids," nakangising sagot niya.

Tila may naalala ito sa sinabi niya.
"Damn, I forgot you're not my bestman anymore!"

Ang unang plano ay siya ang magiging best man nito sa kasal. Mabuti na lang at nangako ang kapatid nitong lalaki na uuwi sa mismong kasal nito kaya ito na ang naging best man. Walang problema sa kanya dahil hindi rin siya nakakatagal sa mga seremonyas ng kasal.

Nababagot siya. Ayos na sa kanya ang nasa pew at pinapanood ito habang itinatali ang sarili habang-buhay sa isang babae.
Boto siya kay Guia, rather than Kelly who played a fool with the two of them. Si Diego ang tinutukoy niyang gusto ni Kelly at hindi siya.

Speaking of Kelly, bigla niya itong namataang papalapit sa kanila mula sa binabaang kotse. Nabura ang ngiti niya. Hindi niya pa rin maialis ang tingin dito. Napakaganda talaga nito lalo na sa suot nitong hapit na puting gown. Nililipad sa hangin ang mahaba at makintab nitong buhok.

Pinakiramdaman niya ang sarili.
Hindi na siya nasasaktan habang nakikita ito. He finally let go of his feelings for her, but he couldn't forget the damage she made though. Magkaibigan pa rin silang tatlo pero hindi na katulad ng dati. Hindi na yata nito maibabalik ang masayang turingan nila sa isa't isa. Tanging sila na lamang ni Diego ang nanatiling intact ang samahan.

Lost And FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon