Chapter 12

14.3K 507 51
                                    

"I heard you are a vlogger too, Ai Lyn. I suggest you go for a vacation in our place in Batangas. My Mom owns a huge flower farm and I'm sure you'll get so many ideas for your content. If you wanna try swimming, snorkeling or skinny dipping...my Dad has an awesome first class resort in Palawan with jacuzzis. That resort is exclusive for my family...and of course, you'll get a VIP access since you'll become a part of our family soon. As my wife..."


Napilitang ngumiti si Ian habang nakikinig sa walang katapusang pagyayabang ni Michael sa mga ari-arian ng pamilya nito. Sa loob-loob niya'y gusto na niyang mag-walk out at iwan ang lalaki.
Naririndi kasi ang mga tenga niya. Major turn-off talaga sa kanya ang mga lalaking show-off.
Kung hindi lang sila magkaharap nito sa mesa ay umikot na ang mga mata niya.

Nasa loob na siya ng restaurant kung saan ito naghihintay. In-emphasize pa nito kanina na 30 minutes at 55 seconds na daw siyang late. Kung hindi ba naman OC ang kumag, binilang pa ang segundo ng pagka-late niya.
Wala siyang pakialam kung ma-turn off ito sa pagiging late niya. Mas okay nga iyon para hindi na siya mapipilitang makipagplastikan dito. Ewan ba niya at ang kapal pa rin ng mukha nitong makipag-date sa kanya samantalang ipinamukha na niya rito na may boyfriend na siya.

At isa pa ang talipandas na "boyfriend" niya! Kanina pa ito nagpaalam na magpa-park ng sasakyan, hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa ito pumapasok sa hotel! Saan ba ito nagpark, sa Jolo Sulu?!
Ni hindi niya magalaw ang pagkain na nasa harapan niya dahil naiinis siya kay Caloy. Nasaan ba ito? Nagpalinga-linga siya sa paligid.


"Are you looking for someone?" kunot-noong tanong ni Michael sa kanyang harapan.


"Uh, y-yeah..." aniyang pasimpleng lumingon sa kanyang kanan.

Paglingon niya sa kanyang kaliwa ay napatda siya. Bumangga ang mga labi niya sa isang pares ng mga labi. Kumabog nang malakas ang kanyang dibdib. Pamilyar sa kanya ang mga labing 'yon! Agad siyang umiwas at napatingin kung sino ito. Si Caloy! Nakadukwang ito sa kanya. Mukhang hindi nito inaasahan na mapapalingon siya rito dahil natigilan din ito at napatitig nang matagal sa kanya.

"S-sorry I'm late, mahal ko," agad na sabi nito nang makabawi.

Mahal ko? So baduy! Eww!

At bakit ito nakadukwang sa kanya? Balak ba siyang surpresahin nito? Gulatin? O balak lang magnakaw ng  halik? Kung ano man ang binabalak nito ay nag-epic fail iyon!

Napilitan siyang ngitian ito.
"I-it's okay, Babe. Have a seat."


Palihim na pinandilatan niya ito saka iminuwestrang umupo sa kanyang katabing upuan. Mukhang balewala lang dito ang nangyaring paghalik sa kanya dahil pa-cool pa rin ito. Ngingiti-ngiti pa na tila naka-jackpot habang nagbabasa ng menu!


Lintek ka! Nakadalawang kiss ka na sa akin, ha! Quotang-quota ka na sa aking buwesit ka!


Nang balingan niya uli si Michael ay hindi na maipinta ang mukha nito habang nakatingin kay Caloy.

"One Medium Rare Steak and a red wine, please," ani Caloy sa waiter.

Tumaas ang kilay niya dahil parang casual lang dito ang pagtawag at pag-order sa waiter. Feel na feel ang role!

Bongga! At least di ko na siya kailangang turuan ng kailangang gawin. Matalino si Boyfriend!

Pansin niyang may class kumilos si Caloy kahit mukha itong barumbado. May table etiquette ito.

"I didn't know you invited Michael in our date, Mahal?" nakangising tanong ni Caloy habang nakatingin kay Michael. Indinantay pa nito ang braso sa likod ng upuan niya.

Lost And FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon