Chapter 4

13.8K 489 10
                                    

Inis na tinanggal ni Ian ang kanyang scarf at ibinato iyon sa kung saan. Sa totoo lang ay kanina pa siya hindi komportable sa ayos niya lalo pa at napakainit ng panahon at mukha na siyang bilasang isda. Tinanggal niya rin ang kanyang salamin sa mata at ipinasok iyon sa kanyang bag.

Tila nakahinga siya nang maluwag sa kanyang ginawa. Pero kumusot pa rin ang kanyang ilong dahil naamoy pa rin niya ang lansa ng isda. Hindi siya nangangambang magtanggal nang salamin at scarf dahil nasa tagong lugar siya. Nasa likod siya nang mataas na pader at napapaligiran nang malalaking truck at mga nakaparadang sasakyan. Hula niya ay nasa parking lot siya ng palengke.

Napansin niyang wala masyadong taong dumadaan sa lugar na iyon kaya doon siya pansamantalang nagtago upang hintayin si Cholalah. Ipinaypay niya ang kamay sa sarili dahil tagaktak na ang pawis niya. Kapag dumating si Cholalah ay agad siyang magre-retouch dahil feeling niya'y tunaw na lahat ang make-up niya sa mukha.

Nangati ang pagitan ng daliri niya sa paa kaya napayuko siya at tiningnan iyon. Nanlaki ang mga mga niya nang makitang may mga hasang ng isda ang sumiksik doon. Akmang huhubarin niya ang kanyang sandal nang makarinig siya nang mga papalapit na yabag.
Automatikong napatingin siya sa pinanggalingan ng mga yabag. Kumabog ang dibdib niya nang makitang may dalawang mga pangit at nakaitim na mga lalaki ang papalapit sa kinaroroonan niya.

Mukhang hindi napadaan lang ang mga ito sa lugar na iyon dahil titig na titig ang mga ito sa kanya habang papalapit, mukhang siya talaga ang pakay. Lumikot ang mga mata niya at naghanap ng malulusutan. Napaatras siya ngunit paglingon niya sa kanyang likuran ay may papalapit ding tatlong lalaki sa kinaroroonan niya. Pinapaligiran siya ng mga ito!

Shit's about to happen.

Pinilit niyang pakalmahin ang sarili at nagkunwaring hindi napansin ang mga ito. Hinugot niya ang cellphone sa kanyang bag at sinubukang i-dial ang pinakaunang numerong nakita niya sa kanyang contacts; ang kanyang Yaya Adelaida. Ngunit bago pa man masagot ng kanyang yaya ang tawag ay nahablot na ng isa sa mga lalaki ang cellphone niya. Nabitawan niya iyon at mabilis pinulot ng lalaki.

Pinaningkitan niya ito ng mga mata.
"What the f*ck are you doing? Give my phone back!"

Ngumisi na parang mga demonyo ang mga lalaki na siyang nagpakilabot sa kanya.

"Hindi mo na kailangang malaman kung sino kami, ganda. Sumama ka sa amin kung ayaw mong masaktan!"

Kidnappers!

Napasigaw siya nang biglang hablutin nang malaki at maitim na kidnapper ang braso niya at hinila siya nang malakas. Kinaladkad siya nito patungo sa isang nakaparadang van. Sa bilis nang pagkakahatak nito sa kanya ay hindi niya magawang makapumiglas.

"Let go of me!" sigaw niya habang binabawi ang kamay. Nanindig ang balahibo niya nang bigla siyang may maramdaman na matigas at malamig na bakal sa tagiliran niya.

"Kung ayaw mong iputok namin sa 'yo 'tong baril, manahimik ka!" asik nito malapit sa kanyang tenga.

Bago pa man siya makapag-react ay bigla siyang kinarga na parang sako ng isang kidnapper. Nagpumiglas siya.

"Let go of me!"

Mukhang hindi nito napaghandaan ang pagpupumiglas niya dahil nawalan ito ng balanse at nabitawan siya. Bumagsak siya at tumama nang malakas ang balakang sa mabatong lupa. Napamura siya nang malakas.

"Oh, damn!" Mukhang nabalian pa yata siya ng baywang. Hindi pa naman siya puwedeng umabsent bukas at may shooting siya nang worth 5 million na TV advertisement!

"Huwag kang malikot kundi papatayin ka namin!" paninindak sa kanya ng isang lalaking mataba at punong-puno ng mga butas sa mukha.

Patayin mo 'yang mukha mo!

Pinandilatan niya ito ng mga mata. Imbes na matakot ay hindi siya nagpaapekto sa paninindak nito. Kapag talaga nawalan siya ng TV advertisement bukas ay malilintikan talaga ang mga lalaking nasa harapan niya!

"Who are you? Why are you doing this to me? Are you my father's—"

"Oo, kaya kung ayaw mong masaktan, sumama ka nang maayos!"
Pilit na namang hinihila ng lalaking malaki kanina ang braso niya ngunit pumiksi siya nang malakas para hindi siya mahawakan nito.

"If my father knows about this, you're all going to be dead!" matapang na banta niya.

Naghalakhakan ang mga ito. "Ikaw muna ang papatayin namin bago niya kami mapatay!"

Umismid siya.
"Do it if you can!" hamon niya sa mga ito.

Napasigaw siya nang biglang hilahin ng isa na namang lalaki ang kanyang buhok at pilit siyang pinapatayo. Idiniin niya ang mahahabang kuko sa kamay nito hanggang sa ito na naman ang mapasigaw sa sakit.
Nabitiwan nito ang buhok niya na siyang sinamantala niya dahil hinawakan niya nang mabuti ang kamay nito at pinilipit iyon. Napasigaw ito sa sakit.

"Tumigil ka!" Narinig niyang sigaw nang isa pang kidnapper sa kanyang likuran bago siya binigyan nang isang malakas na sampal sa mukha. Sa lakas nang pagkakasampal nito sa mukha niya ay sumadsad siya sa lupa. Natigalgal siya sa sakit ng sampal nito.

Gusto na niyang maiyak, nabalian na nga siya, nasampal pa ang makinis niyang mukha. Tiyak na mamumula iyon at mas lalong hindi siya makakapag-shooting ng TV ad!
Naninikip ang dibdib niya sa galit sa mga kidnappers. It's either gusto ng mga ito ng ransom mula sa kanyang ama o isa ang mga ito sa grupo ng mga nakabangga ng kanyang ama at gustong maghiganti.

Ngunit pasensyihan ang mga ito dahil hindi siya basta-bastang anak ng Presidente lamang. Hindi siya papayag na gamitin ng mga ito upang makapaghiganti o mahuthutan ang kanyang ama. Nagsasawa na siyang lagi na lang pinag-aalala ang kanyang ama. Natuto na siyang lumaban. Hindi lang ganda ang ipinagmamalaki niya.

Akmang babangon siya mula sa pagkakasalampak sa lupa nang biglang itutok sa kanya ng isang kidnapper ang baril nito. Napalunok siya.

"Napakatapang mong babae ka. Nagmana ka sa ama mong walang binatbat! Lulumpuhin na lang kita para hindi ka na makapumiglas pa!"

Nahigit niya ang hininga nang itutok nito ang baril sa mala-porcelana niyang binti. Hinaklot siya ng takot.

Oh my! Somebody help me!

Naghanap siya nang puwedeng tumulong sa kanya ngunit wala talagang taong nadaan doon. Kinakabahan na siya. Kawawa naman ang makinis niyang binti kapag binaril siya nito!

Oh, God, help me! Don't let them ruin my precious legs!

Tila dininig agad ng Diyos ang panalangin niya dahil bigla na lamang may humataw sa batok ng kidnapper na may hawak ng baril saka walang malay itong bumagsak sa lupa. Nang mag-angat siya ng tingin upang tingnan kung sino ang humataw sa kidnapper ay laglag ang panga niya.

••••••••••••••••••••
Like this chapter? Please vote and comment! Thanks!

Lost And FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon