Chapter 1

20.2K 560 17
                                    

▪️▪️▪️▪️▫️▫️▫️▫️▪️▪️▪️

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

▪️▪️▪️▪️▫️▫️▫️▫️▪️▪️▪️

"Miss Ian, malayo pa po ba? Balik na po tayo. Hindi po ba kayo natatakot dito?"


Gusto nang mainis ni Ian sa walang katapusang reklamo ng baklang cameraman na si Cholalah sa kanya. Kanina pa siya kinukulit nito, lalong nadagdagan ang inis niya. Gigil na gigil na siyang sakalin ang baklang sa dinami-dami ng puwedeng pasukan na trabaho ay cameraman pa!

Akala ba nito ay ito lang ang nahihirapan sa pakikipagsiksikan doon sa makipot at mataong lugar ng Quiapo?
Nahihirapan din siya! Doble pa! Tunaw na ang mamahaling foundation niya sa mala-disyertong init ng lugar! Nakabalabal kasi nang makapal na scarf ang mukha niya habang nakasuot siya nang makapal na salamin sa mata.

Kailangan niya iyon upang hindi siya makilala ng mga tao. Sikat kasi siya. Hindi lang sa Pinas kundi sa buong kalawakan. Kahit siguro mga lamang lupa sa Jupiter ay mai-i-star struck kapag nasilayan ang kanyang nagsusumigaw na kagandahan.

Siya lang naman kasi si Ai Lyn "Ian" Wu Villegas, ang unica hija ng Presidente ng Pilipinas at ang numero unong Female TV host ng bansa!  Oo,ganoon siya kasikat. Isa siya sa mga tinatangi at nirerespetong personalidad sa buong bansa.

Bukod pa doon—hindi sa nagmamayabang siya—pero ipinagsisigawan niya talagang nuknukan siya ng ganda!
Pinalaki siya ng tatay niyang humble pero sa tuwing tinititigan niya ang kanyang sarili  sa salamin ay hindi niya mapigilang maiyak sa kagandahang nakikita niya.

At walang ni isang parte ng balat niya ang dumaan sa kutsilyo o plastic surgery. Natural na natural ang kanyang ganda, namumukudtangi!

Sa kanyang mala-porselanang kutis, singkit na mga mata, at mala-diyosang katawan, walang panama sa kanya ang mga nagsulputang artista sa mga koreanovela! Actually, baka kapag nakita siya ng mga ito'y mahiya ang mga itong lumabas ng TV.

Sa katunayan ay maraming nag-o-offer sa kanyang maging artista ngunit tinanggihan niya ang mga iyon. Humble siya, tama na sa kanyang ipamalas ang kanyang galing sa pagho-host.
Kalabisan na sigurong maging artista siya, baka mawalan na ng pagkakakitaan ang mga sikat at pa-tweetums na mga bagets na artista sa showbiz industry ng Pilipinas.

"Miss Ian!" pukaw na naman sa kanya ng kanyang cameraman.

Ngunit hindi siya nakinig at nagpatuloy sa paglalakbay diwa.
Mas maganda na iyon kaysa abalahin niya ang sarili sa pagtingin sa mga nagkalat na illegal vendors sa paligid at pagsinghot nang mabahong usok at panghe ng lugar.

Saang parte ng imagination na nga ako? Ay oo, doon sa pamumukudtangi ng aking kagandahan na kahit—

"Kariton! Miss Ian!!!! Karitooooon!"

Naputol na naman ang kanyang imagination nang marinig ang sigaw ng kanyang cameraman. Huli na nang mapagtanto niya kung anong ibig nitong sabihin dahil bigla siyang bumangga sa isang kariton.

Nawalan siya ng balanse at dire-diretsong bumagsak sa karga ng kariton na isang malaking bariles na punong-puno ng mga isda. Hindi kinayanan ng bariles ang bigat niya kaya dumausdos iyon kasama siya. Natabunan siya ng mga isda.


"OMG! Ewwwww!" malakas niyang tili.


Hindi naman nagkamayaw ang kanyang cameraman at isang matabang madungis na lalaki—na hula niya'y ang tinamaan ng magaling na nagmamay-ari ng kariton—upang alalayan siyang tumayo.

Nahindik siya nang may maramdamang gumagalaw sa loob ng kanyang cleavage. Tarantang hinugot niya iyon at nanlaki ang kanyang mga maga nang makita ang isang isda na umiigkas at buhay na buhay na pumasok sa kanyang blouse!

Agad niyang ibinato iyon sa madungis na may-ari ng kariton at nangagalaiting tumayo. Nadulas pa siya dahil natapakan niya ang isang isda, mabuti na lang at mabilis siyang inalalayan ng kanyang cameraman.

"Miss Ian, ayos lang ba kayo?" nag-aalalang tanong nito.

Pati ito'y hindi nakaligtas sa panggigigil niya kaya itinulak niya ito nang malakas.

"Do you think I'm okay? Subukan mo kayang mag-dive diyan sa kariton nang malaman mo!" singhal niya rito.

Napakamot na lang ito ng ulo.
"Eh, kasi naman kayo, kung saan-saan kasi naglalakbay ang isipan ninyo. Nakarating na yata kayo ng Zimbabwe samantalang ako nasa Quiapo pa!"


Pinandilatan niya ito ng singkit niyang mga mata.
"Sagot pa, isa!"

Nanahimik ito't pinulot na lang ang nabitawan niyang handbag kanina.
Bigla siyang nangrimarim sa suot. Nanlalagkit ang kanyang pakiramdam sa damit niyang basang-basa. Nangangamoy na siyang malansang isda!


"Goddamn it!" nanggigigil na bulalas niya saka pinunasan ang sarili gamit ang kanyang scarf. Nanatiling nakasuot siya ng shades.


Binalingan niya ang may-ari ng kariton na abala sa pagpulot ng mga nagkalat na isda. Inuna pa nito ang isda kaysa humingi ng dispensa sa kanya!

"My God, Manong! Dalawa naman ang mga mata ninyo, bakit hindi po kayo tumigil sa pagtulak diyan sa kariton para hindi n'yo ako nabangga?!"

Galit na nag-angat ito ng tingin sa kanya.
"Aba, ilang beses kang inabisuhan ng kasama mo pero hindi ka nakinig. Kasalanan ko pa kung tatanga-tanga ka? Bayaran mo itong danyos sa mga paninda ko!"

Naghimagsik ang kalooban niya sa sinabi nito.

Tinawag akong tanga! Ako na anak ng Presidente ng Pilipinas! Ako na Brightest Star of my Generation! Ako na humakot ng sandamukal na awards sa KBP, Anak TV Seal, International News and Broadcasting Awards and etc!

"Huwag mo akong tawaging tanga! Hindi mo ba kilala kung sino ako?" nanggigil na sabi niya.

"Aba, diyaskeng bata ito! Sino ba ang mga magulang mo at nagre-reyna reynahan ka rito, Ineng? Papuntahin mo sila rito at kakausapin ko!"

Akmang pauulanan niya ito nang maaanghang na salita nang biglang may pumigil sa balikat niya. Paglingon niya ay nagsalubong ang kanyang mga kilay sa nakita...

•••••••••••••••••••
Like this chapter? Please vote and comment! Thanks!

Lost And FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon