What's Happening?

13 0 0
                                    

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga ngiti niyang nakapagpagaan ng pakiramdam ko.
Pumunta na ako sa Math Club Office.
Doon, sinubukang tapusin ang mga assignments at project ko this sem. Nag-advance study na rin ako. Pagkatapos noon, 12:30 na pala. Ang tagal ko dito sa office… di pa ko nagtatanghalian.
Nagdecide na akong kumain sa labas. Di kasi ako nagprepare ng lunch ko. Tinamad ako dahil sa family day event na to…

Sa isang fastfood Chain ako magtatanghalian. Nagtricycle na ako papunta roon. Gutom na kasi ako, kung maglalakad pa eh baka himatayin na ako.

“para po manong!sa gilid na lang po”

Habang pababa ako ng tricycle, nabigla ako sa nakita ko.. si Celine at si Albert magkasama papalabas ng restaurant na katapat ng fastfood chain na kakainan ko.

Hinintay ko kung may kasama silang parents nila dahil ang pagkakaalam ko eh umattend sila ng Family day. Pero after few minutes nag-abang sila sa may waiting shed na sila lang dalawa. Nagpara sila ng Jeep at pinagbuksan ng payong ni Albert si Celine. At inalalayan pasakay ng jeep. Nagpaiwan si albert. Nagpara ng ibang jeep. Pero jeep na hindi papuntang GVU.

“Ano kayang meron?”

Pumasok na ako sa kainan. Gutom na ako. Nag-order na ako at naghanap ako ng pwesto.
Habang kumakain ay napaisip ako. Gusto ko silang itext at tanungin ng kung anoano. Pero…. Hindi ko alam kung tama bang tanungin sila….
Baka naman…. Hindi! Hindi pwede ang naiisip ko!
Sila na?? pano si Janson? Wala namang sinabing breakup si Celine ah. Pero…. Si Albert…. Wala rin namang sinabing sila na ni Celine.
Hayys… ano kaya talaga ang meron??
Hmm. Baka naman kung ano ano lang ang iniisip ko.. hays!!

Nang matapos na akong kumain, pumunta na lang ako ng bakeshop at tumulong kina Auntie. Wala na rin naman akong gagawin sa school.

Pero si Celine at si Albert.... tsk.tak. di pwede.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AnimaWhere stories live. Discover now