With A Smile

5 0 0
                                    

Tumakbo ako papalayo sa kay Michelle Mendez. Para akong baliw sa ginawa ko. Kahit ano paman ang sasabihin niya, ayokong marnig ang boses niya.
Hindi na ako umabot sa Math club Office. Nanghina na ang mga tuhod ko. Napaupo na lamang ako sa isang bench malapit sa music room na 3 rooms ang layo mula sa Math club Office. Nakaupo ako ngayong hawak ang dalawang tuhod ko at nakayuko ang ulo ko. Wala akong pinayagang luha na tumulo. Hindi ko hahayaang masayang nanaman ito.
Habang nasa may bench ako ay may bigla akong narinig na tumutugtog ng piano. Itinutugtog niya ang kanta ng Eraserheads na With a Smile
Sobrang galing ng pagkakatugtog niya. Nakakagaan sa pakiramdam. Lumapit ako sa may pinto ng music room para silipin kung sino ang tumutugtog.
Nang dumungaw ako sa bintana laking gulat ko kung sino ang tumutugtog…. Siya na namn.. yung lalaki sa library kanina. Nakapikit siya habang tumutugtog. Hindi ko rin alam sa srili ko pero patuloy ko siyang pinanood. Nang patapos na ang kanta ay iminulat niya ang kanyang mga mata.

Nagpanic ako.. nakakahiya ang ginagawa ko.. nakadungaw sa bintana habang nanonood ako.  Bigla akong umalis sa pwesto ko at dalidaling umupo ulit sa may bench.

“siguro naman di niya ako nakita. Hmmp. Nakakahiya” bulong ko sa sarili ko habang pinupunas ang pawis ko sa mukha ko dahil sa pagpanic.

oo sobrang nakakahiya, matapos kong pagsungitan at pagsisigawan siya, makikita niya akong ganoon? Hay naku!

“Sana nakatulong yung kantang yun sa nararamdaman mo ngayon. Lift your head. Don’t be scared.. look at the things with a beautiful smile”  biglang may boses anghel na nagsalita sa may likod ko.

Wuhhhhhhaaaaaaaa… siya na siguro to… Dahan dahan kong nilingon ang nasa likod ko.. yung lingon na katulad nung mga bida sa horror movies… natatakot kasi ako nang sobra. Hindi dahil sa moomoo! Kundi dahil sa hiya. Hhaaays.pagkalingon ko ay sabay na rin ang pagtayo ko.

At ngayon…nakaharap na ako sa kanya. Siya nga talaga. Nakangiti siya ngayon.
Napakaaliwalas ng kanyang mukha. Mukhang anghel.
Maputi siya. Matangkad. Kasinghugis niya ang mukha ni Daniel Padilla. Naka clean cut ang hairstyle niya. Ang mga mata niya ay napakapungay. Matangos ang ilong, mamulamula ang kayang labi. May nunal siya sa gilid sa labas ng kayang kanang mata.
Inabot niya sa akin ang kanyang kanang kamay….

“I am Alexander. Katkat right??”

Nakipagkamay na rin ako sa kanya at tumango sa tanong niya. Napakalambot ng kanyang kamay.
As usual, hindi pa rin ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla.

“Can I be with you today? Mukhang mag-isa ka. Gusto mo samahan kita?”

Nakasmile pa rin siya habang sinasabi  niya yun. His smile is different. It was an innoscent smile.

Pero… mukhang pamilyar siya… nakita ko na ba siya before our encounter sa Math Club Office? Parang ang tagal ko na siyang nakita.

“no. I am ok. You may go. Sorry”  yumuko ulit ako sa kabila ng mga sinabi niya. His words remind me of Rio. Parang Ganun din yung sabi ni Rio noon… Ayoko na.

Ngunit hinawakan niya ang chin ko at dahan dahang itinaas ang mukha ko.

“ok. I will not force you katkat. But please.. don’t lean your head down.”

Nagmamakaawang tonong sabi niya.
Sino ba siya? Bat ang gaan niyang kausap? Bakit ko tinanggap na tawagin niya akong katkat.?
Iniwan ko na siya sa may bench,

“Pwede bang umalis na ako?” nagpaalam ako sa kanya ng malumanay ang boses. Ewan ko ba. Parang hindi na ako makapagsungit sa kanya sa sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.
Tango at mala anghel na ngiti na naman ang ibinigay niyang response sa pagpapaalam ko.
Mukhang ang gaan ng pakiramdam ko…

AnimaWhere stories live. Discover now