5

108 4 0
                                    

Agad na pinunasan ni Kali ang mga luha sa mata ng maramdaman ang paglapit ni Gigi sa cubicle niya.

"Girlfren, nagyayaya sina Alvin ng karaoke mamaya. Tara?" Tanong sa kanya ng kaibigan na bakas ang excitement sa tinig. Crush kasi nito ang graphic artist nilang si Alvin.

Hindi niya iniangat ang mukha upang salubungin ang tingin nito. Ayaw niyang makitang kagagaling lang niya sa pag- iyak.

"Masamang pakiramdam ko, Gi." Aniya at agad na nahalata nito ang pagbabago ng kanyang tinig.

"Barado 'yang ilong mo. May sipon ka ba?" Nagaalalang tanong nito at sinalat pa ang kanyang noo ng maramdaman nito ang pamamasa ng kanyang mga mata. "Girlfren bakit ka umiiyak?" Nanlalaki ang mga matang tanong nito.

"Nami- miss ko lang si mommy, Gi." Aniya at suminok. Oo, namimiss niya na ang mama niya. 12 years old siya ng mamatay ito dahil sa leukemia. Pagkaraan ng dalawang taon ay muling nagpakasal ang kanyang papa na ngayon ay naninirahan na sa Spain kasama ng Espanyola nitong asawa. Naramdaman niya ang animosity nito sa kanya kaya't minabuti na lamang niyang bumukod kahit noong una ay takot na takot siya. She was living alone for 7 years, not expecting anyone to love and care for her. And she found someone to love, someone who always makes her feel loved and cared. Pero hindi naman kanya ito ng buong- buo. And for two nights she was crying herself to sleep. Alone and miserable. Ang pagkikita nila ni Onyx sa Shangri- La Plaza Mall two days ago ang huli na nilang pagkikita. After that night, she hadn't received any message or call from him. Hindi na ito nagparamdam pang muli.

Did he realize that she wasn't worth it? Had he decided to give his marriage a chance? Was he discarding her already? Sa mga naisip ay lalo pa siyang naiyak na lalong ipinag-alala ni Gigi. Umalis ito saglit at pagbalik ay may dala na itong isang basong tubig. Naupo ito sa tabi niya at hinagod ang kanyang likod. Sa ginawa nito'y lalo pa siyang naiyak.

"Tama na,girlfren. Daig mo pang nakipaghiwalay sa jowa e." Pagbibiro nito na ikinangiti niya ng mapait.

If you only knew, Gigi!

"Sama na lang tayo kina Alvin. Puro na lang tayo work. Mag- unwind naman tayo." Paghikayat pa nito. Lihim siyang napatingin sa iphone na nakalapag sa desk niya. It was one of Onyx's expensive gift to him. Wala pa ring message na mula sa kanya.

Huminga siya ng malalim at tumingin sa kaibigan. "I'll go."





Lihim na nagpasalamat si Kali kay Gigi ng maupo ito sa pagitan nila ni Peter na kanina pa pilit na inilalapit ang katawan sa kanya. Bigla'y nais niyang magsisi kung bakit sumama pa siya. Naroon rin si Jenna at iba pang mga kaibigan nitong ayaw din sa kanya. At tanging kaibigan lang talaga niya sa mga naroon ay si Gigi.

Nirentahan nina Alvin ang pinakamalaking karaoke room dahil higit sampu din silang naroon. Busy na ang iba sa pagkanta samantalang ang iba'y busy sa pag- inom ng alak. Nagkaroon ng pagkakataon si Peter na lapitan siya ng magpaalam si Gigi upang magbanyo.

Umangat ang isa niyang kilay ng abutan siya nito ng isang bote ng Tanduay Ice.

"C'mon, Kali. This one's barely an alcohol." Napapantastikuhang anito.

She hesitantly reached for the drink and he eyed him suspiciously.

"What?" She snapped.

"Drink it." Nakangising anito.

Sumimsim siya kaunti dito upang matigil na ang makulit na lalaki.

Well, not bad.

Muli siyang tumungga sa alak hangga't mangalahati na lamang iyon.

Men in Colors 1: THE KING THAT SLAYED A HUNDRED EMPIRE, ONYX ALCORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon