9

121 2 0
                                    

"Bilib na bilib na talaga ako sa'yo, girlfren! Ikaw na talaga!"

Isang nahihiyang ngiti ang sagot ni Kali sa papuri ni Gigi. She couldn't accept the credits all by herself because she knew that Onyx had a big part on it.

Their whole department knew about the success of her latest interview with Kalish Russet and she was currently working with the article. Malapit ng ilabas ang pangalawang issue ng Men in Colors ngunit kasalukuyan pa rin ang pagtaas ng sales ng naunang issue na featured si Onyx. At hindi naging hadlang ang status nito upang hindi ito tangkilikin ng publiko. Yes, he is married. And she should deal with it everyday.

"Paano mo nagawa 'yon, girlfren?" Ungot pa sa kanya ni Gigi. "Don't get me wrong huh? Pero alam naman nating mas mailap pa si fafa Kalish kay fafa Onyx. Kaya hindi ko lang inexpect na maiinterview mo siya agad on your first attempt."

She froze for a while. Hindi niya maaaring sabihing tinulungan siya ni Onyx. Ni hindi niya nga maisuot ang singsing na bigay nito sa takot na usyosohin siya ng mga kasama.

"I- I told him that he would be an instrument in opening the eyes of the millennial youths for true art." Makatotohahan niyang saad.

"Wow." Gigi gazed at her admiringly. "Ang smart mo talaga, girlfren. To think na kasing ganda pa kita!"

Natawa na lamang siya sa sinabi nito.

"Mas gwapo ba sa personal, huh?" Ungot pa nito. "Sinong mas gwapo sa kanila ni fafa Onyx? Sinong mas hunk?" Sunod- sunod pang tanong nito.

"They're both good looking, Gigi." She stayed on the safe zone.

"E why do I have a feeling na you like Onyx more than Kalish?" Nakatikwas ang isang kilay na anito.

Agad na sumipa ang kaba sa kanyang dibdib.

"P- Paano mo naman nasabi 'yan?" Pilit niyang itinatago ang kabang nararamdaman.

"Basta. I can feel it. Anyway, all of us have bias naman." Nagkibit balikat na anito at nakahinga siya ng maluwag pero panandalian lamang pala iyon dahil biglang sumulpot si Peter na malawak ang pagkakangiti sa kanya.

She wanted to roll her eyes with his arrogance but chose to keep it to herself.

"Hi, Kali! Looking so much better, huh?" Papuri nito sa kanya sabay kindat.

Duh!

"Er- Hi." Matipid niyang sagot dito.

"Anong meron at lalo ka yatang gumaganda ngayon?" He leaned into her cubicle and she knew he had plans of irritating her more.

"Oo nga, girlfren." Biglang pagsang- ayon ni Gigi. "Glowing ang skin mo. Saan ka nagpapa- derma?"

"W- Wala." alanganin niya itong nginitian.

"Dahil siguro masyado siyang in love sa boyfriend niya." Peter spat the 'boyfriend' word acidly.

She looked pointedly at him but he just shrugged.

"Kailan ka pa nagka boyfriend?" Surprised na tanong ni Gigi. Oh god, mukhang mapapahaba pa ang interrogation.

"Kailan lang." Paiwas niyang sagot.

"Kailan nga ang kailan lang?" Gigi nagged.

"Um... two months ago." She revealed truhtfully.

Exaggerated na natutop ni Gigi ang mga labing pinintahan ng pink na lipstick.

"Without even telling me?" Humawak pa sa tapat ng dibdib ito na animo'y pinagtaksilan.

"He wasn't worth telling anyone, anyway." Singit ni Peter and she threw daggers at him but he just shrugged her out.

Men in Colors 1: THE KING THAT SLAYED A HUNDRED EMPIRE, ONYX ALCORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon