16

192 9 3
                                    

Nagising si Kali ng makaramdam siya ng pagkauhaw. Nakaunan ang ulo niya sa kaliwang braso nito, his other arm protectively draped around her waist. Maingat siyang humiwalay sa binata at marahan itong gumalaw na tila ba'y naramdaman ang pag- alis niya sa tabi nito. Dumukwang siya upang halikan ito sa noo at tila nakampanteng itinuloy ng binata ang pagtulog.

Saglit na nilingon ni Kali ang maliit na orasang nakapatong sa mesang katabi ng kama. It was only 2 am. Isinuot niya ang kanyang roba at lumabas ng silid patungong kusina. At labis na lamang ang kanyang pagtataka ng tumunog ang door bell. Sino naman ang dadalaw sa kanya sa alanganing oras na iyon ng madaling araw? Nagaalangan pa siya kung pagbubuksan iyon dahilan upang maging sunod- sunod pa ang pagtunog nito. At sa pagaalalang baka magising si Onyx ay nagdadalawang- isip na tinungo niya ang nakasarang pintuan at bahagya itong buksan upang sumilip kung sinong naroon. Gayon na lamang ang gulat niya ng makita si Fionna... at umiiyak ito.

She looked so miserable. Wala na dito ang dati'y ma- awtoridad na itsura na laging matigas ang exkpresyon ng mukha at napalitan iyon ng ng isang kaawa- awang babaeng maitim ang paligid ng luhaang mga mata, humpak ang walang kulay na mga pisngi at tila'y dehydrated na dahil sa maputla at nagbibitak na mga labi.

"F- Fionna..."

"I- I know that he is here." Her voice was shakily hoarse and sick. She looked so harmless. "I- I know that he remembers you..."She croaked and a sob escaped her pale lips. Nakaramdam siya ng labis na awa rito.

"P- Please come in..." Niluwagan niya ang pagkakaawang ng pintuan.

"No." Tanggi nito at umiling- iling pa. "I don't want to cause another outrage once he saw me inside. I- I'm so tired." Lalo pa itong napaiyak at tila ba'y nararamdaman din niya ang sakit na nadaraman nito.

She was once been there. And she knew the hell of pain she was going through, the pain of losing someone you loved so much... and it was because of her. Guilt flooded her body. Lumabas siya ng pintuan at maingat na ipininid ito.

At parang nais niyang pagsisihan ang ginawa ng bumaba ang luhaang mata nito sa kanyang impis pang tiyan. Her hands automatically went down her tummy. Mapait na ngumiti ang babae.

"You're having a baby." It wasn't a question. She knew all about it. Napalunok siya ng muling humagulgol ng iyak ang babae at napasabunot pa sa buhok. Napaatras siya at napasandal sa nakapinid na pintuan ng muli siyang tingnan ng babae at halo – halo ang emosyong nasa mga mata nito. "M- Maybe... Onyx left me because I couldn't give him a child."

Kapagkuwa'y mapait itong napatawa at nagsisimula na siyang matakot rito. "But how in hell could I give him one when he woudn't even touch me?" The she looked maliciously at her, a kind of look that can make anyone flinch. "While you... you..." Tinawid nito ang kaunting espasyong nakapagitan sa kanila at agad niyang hinawakan ang seradura ng pintuan ngunit laking gulat niya ng hablutin nito ang kanyang kamay at buong lakas na itinulak siya sa sahig na ikinahigit ng kanyang hininga. Agad niyang ininda ang pananakit ng kanyang balakang. "....you just met him months ago but you were able to bring him on your bed and poof! You're pregnant." Tila aliw na aliw pa nitong sabi ngunit ilan pang sandali'y biglang nanlisik ang mga mata nito at muling humakbang palapit sa kanya.

Kali winced in pain as she felt an abdominal cramp. Her body shook on fear when she felt hot liquid coming out her organ. Anong nangyayari sa baby niya?

"O- Onyx..." Halos hindi lumabas ang tinig niya sa labis na takot. "O- Onyx!"

And just as she called for his name, the door slammed open hailing a horified Onyx Alcor. Magkahalo ang pagaalala at galit sa mukha nito ng makita siyang nanginginig at habang nakasalampak sa sahig. Lalapitan na siya nito ng sa labis nilang panggigilalas ay may hinugot si Fionna mula sa likuran at itinutok ni nito ang baril sa sariling ulo.

Men in Colors 1: THE KING THAT SLAYED A HUNDRED EMPIRE, ONYX ALCORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon