01
Nakakainis ka Jandrix Adam Miers!
Kahit wala na yung dating tayo, palagi parin kitang iniisip at inaalala.Oo, ako yung unang bumitaw. Masama na kung masama. Pero sobra lang kasi kitang mahal kaya handa akong palayain ka.
Magkakaroon ka na ng bagong kapaligiran. Lilipat ka na ng bagong skwelahan. Gusto ko malaya ka. Gusto ko walang pumipigil sayo na gawin ang kahit na anong gusto mo.
Isa pa, hindi na rin tayo nagkakaintindihan noon. Gabi gabing away dahil sa kung sino sino. Nagkakasakitan tayo sa mga salitang binabato natin sa isa't isa.
Napunta tayo sa hindi natin inaasahang dulo. Malinaw na malinaw ko pang naaalala na nangyari ang lahat ng ito apat na araw bago sumapit ang ika labing lima kong kaarawan.
Lagi kong iniisip na ito ba ang gusto mong maaalala ko tuwing iisipin ko kung anong nangyari sa 15th birthday ko?
Kahit anong makita ko, kahit saan ako pumunta, kahit anong mahawakan ko na konektado sayo, alam kong ikaw parin. Lagi, nag iisa.
Isang buwan at labin tatlong araw na eksakto ang nakakaraan. Panahon na ba talaga para bumitaw?
Ano bayan! Sabi ko di na ako iiyak ulit e! Taksil na mga luha to.
Paano ko mabubuo ang sarili ko kung sa lahat ng bagay ikaw ang nakikita ko? Siguro dapat ibalik ko na yung mga bigay mo. Hays.
Tama! Tandaan mo, ako yata to. Si Cayle Gray Fuentes. Matibay to! Mahahanap ko rin pag dating ng araw ang dating buong buong Gray! Ibabalik ko yun.
Pero sa ngayon, ibabalik ko muna kay Jandrix lahat ng makakapag paalala sakin sa kanya...
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Barely Breathing
Teen FictionNagsimula sa ligawan. Napag pasyahang subukan. Parehong lumaban. Ngunit nagtapos parin sa iwanan. Matatamis na salita sa una, ngunit naging mapait sa huli. Ipinagbabawal na pagmamahalan, ngunit nagpatuloy parin. Dalawang taon na pinagsamahan, nga...