02

42 3 0
                                    

Sinimulan ko ng ilagay lahat ng gamit na bigay niya, binili ko para samin, basta lahat sa isang malaking kahon.

Habang naghahalungkat ako ng mga gamit na ilalagay ko pa dito sa kahon, nagulat ako ng biglang tumunog yung phone ko.

Speaking of the devil.. joke! hehe nakita ko agad sa screen yung pangalan niya.

*Jandrix: Pwede ba tayong magusap sa personal sa sunod niyong training sa sabado?*

Oh damn. Timing nga naman. Nagreply naman ako agad ng 'sige'.

Okay mga babies maibabalik ko na kayo sa tunay na nagmamay ari sa inyo. Sabay tapik ko sa box na nasa harapan ko. Pinunasan ko na rin ang mga luha ko.

Pero ano kaya yung sasabihin niya? Out of the blue after one month gusto niyang makipag kita? Hmm. Baka naman sasabihin niya na, na may bago na siya agad.

Nah nah nah. Sana hindi. Three months muna oh. Hays.

Onga pala di pa ako nagpapakikala ng maayos. Hehe sorry. Cayle Gray Fuentes, 15 years old, maganda. Char! Well sabi nila. Hehe young and free pero ngayo'y nangangakong bawal na ang mga boys kay student life. Kailangan kong mag focus sa pag aaral. Tigil ang landi. Strict si mommy.

Oh yea nagtataka kayo parang mag isa lang ako sa buhay? Nah. Si daddy ay nasa abroad. Si mommy busy sa trabaho. Tuwing gabi nauwi. Tapos may isa akong kapatid na 7 years na mas bata sa akin. Caylie Grayshelle ang pangalan niya.

Incoming grade 10 ako sa St. Joseph Academe. Well, summer pa naman ngayon kaya nasa bahay lang kami ni Caylie pag walang gala ang family. Varsity rin ako ng volleyball kaya nagttraining kami madalas ngayon. Player din ako ng table tennis at swimming pero di naman masyadong strict ang coaches kaya wala masyadong training.

May rules kami ni mommy.

No. 1 rule ni mommy dapat laging honor student. Okay check! Pero kahit number 2 na ako sa klase parang di niya parin na aappreciate. Ang gusto niya kasi laging 1st. Heh! Hayaan na nga. Atleast di ako bagsak.

No. 2 rule naman ang bawal magkaroon ng manliligaw o boyfriend o kahit M.U. Isang malaking BAWAL

Okay alam kong sumuway ako. Yes, alam na alam ko yan. Pero alam ko naman yung limitasyon namin ni Jandrix. Hindi ko siya boyfriend. Kahit ilang beses niya na akong tinanong, I refused. I love my mom. I'll always choose her above anything else.

NBSB parin ako dahil yun ang dapat. Yung kang Jandrix? Alam kong wala namang mali pero sabi naman kasi niya, naiintindihan niya. Maghihintay lang daw siya.

No. 3 rule ay BAWAL AKONG GUMALA Okay medyo nakakagulat kasi high school na ako, bawal parin. Swear kahit magpunta lang sa bahay ng kaklase para maki birthday o maki bonding, bawal. Saklap. I know right. Kaya hindi ako nakakasama sa mga gala ng tropa sa mga mall, sa mga amusement parks, pag swimming, and so on and so fort.

Sobrang higpit nila diba? Ayos lang. Sanayan lang to.

Okay masyado na kayong maraming alam na basics ng buhay ko. Pero okay lang hehe

Ay! Pagpapatuloy ko na tong pag hahanap sa mga gamit na isosoli ko.

Barely BreathingHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin