07

71 4 2
                                    

Hala siya! Ala-siete na ng gabi. Nakatulog pala ako habang binabalikan yung mga ala ala naming malabo ng maulit pa. Iba talaga epekto ni Jandrix.

Bumangon na ako sa aking kama at bumaba na para kumain ng hapunan. "Caylie enough na yang Harry Potter."

Kainis. Masyado nang nahuhumaling kay Harry at Hermione. Eh ako naman nagpakilala sa kanya non. Psh akala tuloy ng lahat siya yung Potterhead. Well, lagi namang ganon. Basta may kapatid, lagi kang may kaagaw.

Kahit nga kay crush eh. Haha joke!

Pero hindi ko talaga maitatanggi na masarap at masaya magka kapatid. Di lang talaga maiiwasan yung minsan maipagkukumpara kayo o minsan mas sumasang ayon yung magulang niyo sa isa. Yung tipong mapapa tanong ka na lang ng "Bakit siya isang hingi lang, meron na agad. Samantalang ako na isang daang beses ng humingi, wala pa rin."

Aish! Hayaan na nga. Andyan na eh. "Anong kakainin natin ate?" Ay oo nga no. Ano ba masarap kainin na hindi na kailangan iluto? Tinatamad na ako mag luto eh. Haha!

Lumapit ako sa tapat ng refrigerator namin. Sana may laman ka. Sana may laman ka. Bulong ko habang naka pikit ako. "Yes! May laman!" Sigaw ko ng makitang may box ng Oreo cake sa loob.

"Kainin na lang natin tong cake. Inuwi yata ni mommy kagabi." Sabi ko kay Caylie habang nakuha ako ng tig isang plato namin. "Eh ate..." Napatingin naman ako sa kanya.

"Yung cake kasi..." Hah? Ano meron sa cake? "Bakit?" Ano ba yan istorbo. Nag aayos ako ng mga plato eh.

"Nakain ko na kasi lahat ng natirang cake ni mommy kanina habang nanonood ako." Hah?! Wtf. Ano daw? Parang nabingi ata ako. Wait. "Ano? Ubos na yung cake?" Tanong ko kay Caylie.

"Ate naman! Pa ulit ulit. Oo naubos ko na. Sorry. Kaya hindi na ako kakain kasi busog na busog na ako. Bye!" AY ANAK KA NG NANAY MO

"Eh kung wala na palang laman, bakit hindi mo pa tinanggal sa ref?! Nakakainis ka! Ano kakainin ko ngayon?! Aish!" Ang sakit ah! Umasa na naman ako. Kaso ngayon, umasa ako sa pagkain. Oreo yon eh! Tapos ako nawalan? Halos maluha luha na ako ngayon. Gutom na kasi ako.

Ayoko na. Nawalan na ako ng gana. Binuksan ko nalang ulit yung ref tapos tinanggal ko na lang yung box ng cake at kinuha yung pineapple juice.

Eto nalang iinumin ko. "Hoy umakyat ka na maya maya. Gabi na." Maka-akyat na nga lang ulit.

--

Dalawang araw na lang, magkikita na ulit kami. Ano na kaya itsura niya? May nagbago na kaya? E yung pagmamahal niya sa akin, nagbago na rin ba? Ay! Ang drama.

Gagawa na lang ako ng letter! Para pag nabuksan niya yung box, may paliwanag muna ako kung bakit ko ibabalik yung mga yon.

Kumuha na ako ng papel at ballpen at umupo na ako sa study table namin. Kaso, paano ko sisimulan letter ko? Aish!

Hinawi ko yung kurtina ng bintana namin dito sa kwarto. Ang ganda talaga ng langit pag gabi. Ang sarap siguro matulog sa bubong. Yung tipong makikita mo yung mga bituin na kumilislap at yung buwan na nagbibigay liwanag sa madilim na gabi.

Sabi ng iba na nagkkwento sa akin tungkol kay Jandrix, mahal na mahal na mahal pa rin daw niya ako. Wala na daw yung nagbibigay ng inspirasyon sa kanya. Palagi na daw malungkot yung mga araw niya. Pero sa nakikita ko, parang may pumalit na naman sa akin sa pwesto ko bilang bituin at buwan niya tuwing parang nasa dilim siya.

Ayos lang, kasalanan ko rin naman talaga siguro. Ako yung nag patigil sa kanya e. Kaya wala akong karapatang magselos kung nagsisimula na siyang makahanap ng iba.

Barely BreathingHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin