beep! beep!
beep! beep!
Omayghad shut up! Ayoko pang gumising. Hinablot ko agad yung unan na nasa tabi ko para takluban ang aking mukha.
beep! beep!
"Who the hell calls at 5:20 in the freaking morning on a Saturday?!" Sigaw ko habang inaabot ang cellphone ko sa ibabaw ng cabinet na nasa gilid ko.
beep! bee-
I saw Alexa's name on the screen. Teammate ko sa volleyball si Alexa, at two years lower ang grade level niya sa'kin.
"Ano meron?", tamad na sagot ko sa kanya. Sinira niya tulog ko e.
"Hala ate Gray! Anong 'ano meron', e may training tayo ngayon. Kaya nga ako tumawag para itanong kung anong kulay ng isusuot nating t-shirt ngayon," paliwanag ng taong kausap ko ngayon. Training lang pala psh!
Wait.. oh shoot!
"Fck! Oo nga pala may training! Jusko blue tayo ngayon bye!" Dali dali kong pinatay ang tawag at naghanap na ng damit ko pang training. Sa lahat ba naman kasi ng malilimutan ko, yung training pa! Bawal kasi kaming ma-late. Bawat minuto mong late, dagdag isang round sa jogging. Kaya pag sinabing 6 AM sharp, dapat nandon ka na nang saktong 6. Kahit ba tropa ko yung si Keith na captain ball namin, walang special treatment. Corny! joke
"Arhg! Bakit ba naman kasi hindi ako nag alarm!", iritang sigaw ko na nagpagising sa natutulog kong kapatid.
"Ate! Napaka ingay mo!", hindi ko na pinansin si Caylie at tumakbo na ako agad ng banyo pagkakuha ko ng mga gamit na ka-kailanganin ko. Jusko isang oras pa naman ako maligo. Bahala na nga!
Nang matapos na ako magbihis, nagsapatos na ako agad at sinuot na ang string bag na dadalhin ko. Dumaan muna ako sa kwarto ni mommy para mag paalam at humingi ng baon, syempre.
"Mommy may training kami ngayon. Mga 11 AM siguro ako makaka uwi."
"Kumuha ka ng one hundred pesos sa bag ko at umuwi ka agad ha!", at kumuha na ako ng one hundred pesos sa wallet niya. "Opo! Bye!", sigaw ko habang palabas ng kwarto niya.
"Hala yung box!", at nagtungo na naman ako sa kwarto para bitbitin yung naiwan na box. Tumakbo na ako agad palabas ng bahay papunta sa terminal ng tricycle sa kanto ng subdivision namin. Sakto may dalawang matanda na nasa loob. Hindi na ako maghihintay ng matagal para sa kasabay. At umandar na nga ang tricycle na sinasakyan ko.
Yea right. Ngayong araw may training kami. It means that, eto na rin yung araw na magkikita kaming muli. Lord kayo na po bahala sa'kin sa araw na ito.
Nang makababa na ako sa sinasakyan kong tricycle, tinakbo ko na agad ang daan papunta sa school namin. Sa loob pa kasi ng isang subdivision yung St. Joseph Academe. At bago ako maka punta sa subdivision na iyon, kailangan ko pang tumawid sa intersection na pinagbabaan sa'kin ng tricycle at maglakad pa para makalampas ng tulay. Halos pagtinginan na ako ng mga driver at mga pasahero ng mga dumadaang sasakyan sa gilid ko, marahil dulot ng para akong hinahabol ng isang snatcher sa bilis ng takbo ko. Partida nasa gilid pa ako nito ng kalsada na may mga dumaraang sasakyan at may dala pa akong hindi kalakihan at hindi kaliitan na kahon. I'm so great tss!
"Whew! Nakarating na rin sa wakas sa unang gate ng school!", at nagpatuloy na ulit ako sa pagtakbo dahil nasa parking area pa lamang ako ng SJA.
Tutuloy na dapat ako sa pagtakbo ng biglang magtanong yung bagong guard ng school na naka pwesto sa ikalawang gate, "Neng saan ka? Training?" Ate naman, di pa ba halata sa suot ko? Late na ako ng isang minuto oh!
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Barely Breathing
Teen FictionNagsimula sa ligawan. Napag pasyahang subukan. Parehong lumaban. Ngunit nagtapos parin sa iwanan. Matatamis na salita sa una, ngunit naging mapait sa huli. Ipinagbabawal na pagmamahalan, ngunit nagpatuloy parin. Dalawang taon na pinagsamahan, nga...