Ala-una ako natapos sa mga gawaing bahay na dapat kong gawin.
Andito na ako ngayon sa kwarto para mag kwento kay Lyna. Kinuha ko yung phone at nag online na ako. Picture parin namin yung lock screen at wallpaper ko.
"Bitch yung kwento ko." Hindi pa siya online ngayon. Siguro mamaya pang gabi. Pero iiwan ko nalang yung message ko. Baka hindi na rin muna ako mag online.
"Bitch alam kong alam mo naman na mahal ko pa siya. Kahapon kasi nagtext siya sa akin. Gusto niyang makipagkita sa Sabado pagkatapos ng training natin. Lyna, umoo ako. Nararamdaman ko namang gusto niya pa rin maayos ulit ang lahat. Kaso ewan ko ba. Ang hirap na kasi maniwala ngayon. Bitch alam mo yung oo, ako yung unang bumitaw kasi pinipili ko si mommy dahil alam kong bawal talaga. Tapos hindi na rin kami nag kakaintindihan. Pag mag uusap kami, magsisigawan kami o kaya magsisisihan. Kung ako lang talaga tatanungin, hindi ko gustong tapusin yung dalawang taon na pinagsamahan namin. Nanghihinayang ako bitch. Dalawang taon yun oh. Bihira nalang ngayon yung nakakatagal ng lagpas dalawang buwan. Sobrang dami na naming pinagdaanan. Kaso mukhang masaya narin naman siya ngayon. Bitch tbh ang sakit sakit makita na andami na niya ngayong kasama, kausap, katext, at katawagan na ibang babae. Pero kasalanan ko rin naman diba? Pinakawalan ko. Gusto ko na kasi siya maging malaya. Hindi niya nagagawa yung gusto niya, pag nasa tabi niya ako. Hindi niya nakakausap yung mga gusto niyang kausapin kasi iisipin niya muna baka mag selos o magalit ako. Lyna ayoko ng ganon. Gusto ko malaya siyang gawin yung kahit na anong gusto niya. Kaya napag isip isip ko na itutuloy ko nalang tong sinimulan kong paglayo. Lilinawin ko na lahat sa kanya sa Sabado. Hindi naman maganda na patuloy kami parehong umasang meron pa. Baka mamayang gabi mo na 'to mabasa. Thanks bitch. Muah!"
Peste. Dapat ba araw araw akong umiyak? Kasi araw araw talaga akong umiiyak. Ganito yata talaga pag unang beses mong magmahal. Mahirap mag let go. Nakakahinayang yung pinagsamahan niyo pareho.
Pero kahit na nalaman ko na ngayon na masakit magmahal, hindi ko parin pinagsisisihan na sinubukan at nagawa kong mahalin si Jandrix.
Kahit wala na yung naghihintay na si Jandrix, hindi ko na muna ulit bubuksan yung puso ko sa kahit na sino. Bata pa naman ako. High school palang ang nararating ko. Ipapakita ko muna sa mga magulang ko na may narating na ako para pag dumating yung araw na may mamahalin na ulit ako, hindi na sila tututol.
Aaminin ko na sa loob ng dalawang taon na iyon, hindi naging madali ang lahat. Yung akala nung iba na sobrang okay namin ni Jandrix pero hindi. Ika nga 'walang perpektong bagay dito sa mundo'. Madalas kaming mag away, magkatampuhan at magkasakitan. Alam naman nating hindi talaga maiiwasan iyon.
Pero sweet pa rin kami madalas sa isa't isa. Caring pareho.
July na ngayon at nakaka dalawang buwan na ako bilang Grade 9. Nakaka kilig isipin na naghihintay parin si Jandrix sa akin. Hihi
Linggo ngayon at andito lang kami ni Caylie sa bahay. Naisipan kong gumawa ng twitter account. Pero hindi ko pangalan ang gagamitin ko.
Wala kasi akong twitter account. Facebook account lang ang meron ako. Bakit? Ayoko lang. Hehe
So yea. Gumagawa ako ngayon ng isang account na nakapangalan kay mommy.
Gusto ko kasing makita yung mga tweets ni Jandrix. Nag titweet daw kasi siya ng mga pictures namin o yung ilan sa mga screen shot ng convo namin.
"Jandrix! I-allow mo yung account ni mommy na '@mariellerinsiefuentes' kasi naka private ka diba?" Minessage ko si Jandrix. Nakagawa na kasi ako ng account.
"Sige." Reply niya. Sinimulan ko na siyang i-stalk. Nakita ko na pinopost niya nga yung pictures namin at screenshot ng ibang convo namin.
Gaya nung nag pick up line ako dati.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Barely Breathing
Teen FictionNagsimula sa ligawan. Napag pasyahang subukan. Parehong lumaban. Ngunit nagtapos parin sa iwanan. Matatamis na salita sa una, ngunit naging mapait sa huli. Ipinagbabawal na pagmamahalan, ngunit nagpatuloy parin. Dalawang taon na pinagsamahan, nga...