04

56 3 0
                                    

"Gray! I'm sorry. Please come back to me. I'm still in love with you Gray!" Umiiyak si Jandrix sa harapan ko ngayon. Nakakagulat na nandito siya ngayon. Pinapabalik ako.

Nandito kami ngayon sa isang park. Malapit ng lumubog ang araw. Nautusan ako ni mommy bumili sa grocery store malapit dito nang makasalubong ko si Jandrix.

Nagulat kami pareho ng biglang tumunog ang cellphone niya. Nung tinignan niya, nagulat ako sa kung sino ang tumatawag.

Isa sa maraming babaeng naging dahilan ng mga away namin dati. Yung babaeng nagawa niyang ipagsabay sa akin.

"Sagutin mo na. Mukhang hinahanap ka na ng girlfriend mo." Sinabi ko sa kanya ng nakangiti. Kahit ang totoo, gusto ko ng umiyak. Ngayon mismo.

Pinatay niya yung tawag. "Wala akong girlfriend Gray! Ikaw parin. Maniwala ka naman!" Sigaw niya sa akin.

Pero nagulat na naman ulit kami ng tumunog na naman yung cellphone niya. Hindi na tawag kung hindi text na lamang.

Ngunit mas lalo akong nagulat ng maaninag ko na sinabi nung nag text na tumawag siya sa kanya. Ngayon na mismo.

Ay wow. Demanding.

Sa pagkaka alam ko, yung babaeng nagtext ay mula sa bago niyang papasukang skwelahan. Isa sa mga magaganda sa skwelahang iyon. Naks mukhang sikat na agad siya don.

"Tama na. Ayoko na. Baka mamaya hindi lang tawag o text ang makita ko mula sa mga babae mo kung hindi isang babae mo na mismo ang lumapit dito at hilahin ka." Nakakainis! Hindi ko na alam paano pa maniniwala sa mga sinasabi niya.

"Gray naman o! Mahal kita. Maniwala ka please. Wala lang yang mga yan!" Damn! Hindi ko na kaya. Nararamdaman ko na mga luha ko.

Pero bago ko siya tinalikuran, sinabi ko muna yung mga salitang hindi ko akalaing masasabi ko.

"Tama na. Walang wala na ako. Naaawa na ako sa sarili ko. Maging masaya ka sana sa mga babae mo. Paalam."

Bigla akong napa upo mula sa aking kama. Wth?! Ano yon! Hingal na hingal ako mula sa panaginip kong iyon. Napahawak ako sa ulo ko. Nagpapasalamat na panaginip lang pala. Para kasing totoong totoo.

Napatingin ako sa orasan at nakita kong ala-sais pa lang ng umaga.

Napahawak ako sa pisngi ko at naramdaman kong basa ito. Hanggang panaginip ko, siya parin. Hays

Sana hindi mangyari yung mga yon. Dahil hindi ko na alam kung sa harap ko mismo siya tatawagin ng mga babae niya.

Nakita kong bakante narin ang kama ni Caylie. Siguro nasa baba na yon nanunuod. Naligo narin ako agad.

Bumaba na rin ako ng matapos ako mag ayos ng sarili ko para magluto ng pagkain namin ni Caylie para sa buong araw.

"Caylie si mommy? Umalis na ba?" Tanong ko kay Caylie na busy sa panonood kay Harry my labs! Yes. Mahilig kami kay Harry Potter. As in sobra. Halos linggo linggo namin pinapanood yung buong Harry Potter 1-7.2 omg

"Kaaalis lang. Wag ka ate maingay." Hays. Napaka busy naman ng nanay ko. At ang sama ng ugali ng kapatid ko.

"Oo na. Magluluto na ako." Hindi na niya ako sinagot. Wow.

Pasado alas-nuwebe ako natapos magluto. Umakyat na ako agad sa kwarto para ayusin ulit yung box.

Naalala ko na naman yung unang beses kaming mag usap.

*Lyna created a group chat with you and Jandrix*

Lyna: Hey guth. Gray papakilala ko sayo si Jandrix diba sabi ko sayo. Jandrix Miers. Jandrix meet Gray me best beddeh.

Barely BreathingHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin